^

PSN Showbiz

Mga nag-aampon ‘di dapat pahirapan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga nag-aampon �di dapat pahirapan
Claudine Barretto

Para naman ang ganda ng campaign ni Claudine Barretto tungkol sa adoption.

Mas tama naman talaga na maging aware tayo na imbes na lumaki ang isang bata sa bahay ampunan, mas maganda na lumaki siya na kabilang sa isang pamilya. Basta kayang palakihin ng tama at maibigay ang pag-aalaga, mapaaral, payagan natin ampunin ang mga bata na walang magulang.

Basta nakita natin na willing ang isang tao at res­ponsable, huwag natin pahirapan sa paperworks para mag-ampon.

Pinupuri ko rito si Claudine, iyon bukas-puso niyang mag-alaga at mag-ampon ng bata na walang magulang.

Kung talagang may kakayahan siyang magbigay ng pagmamahal at magagabayan niya ang mga bata na inampon niya, kudos to her.

Malaking blessing sa kanya and the kids na kanyang inampon.

Meron nga tayong adopt a pet movement, iyon tunay na tao pa ba ang pagkakaitan natin ng pagmamahal.

Go Claudine, good job.

Nagiging racist na?!

Para naman biglang naramdaman ko na parang hindi naman dapat na lahat na lang ng Chinese para bang carrier ng nCoV. Naloka ako na ‘pag may Chinese na nakita, parang takot na takot na agad ang mga tao.

Iyon feeling na ostracize sila now dahil sa ang SARS at nCoV ay nag-umpisa sa China na para bang kasalanan nila ang nangyari. Nakakatawa nga na pag nakita mong may Chinese para bang, naku layo tayo ng konti, baka mahawa.

Gaya na lang ng may natumba daw na lalaki sa daan na ayaw tulungan dahil nga mukhang Chinese at baka kaya natumba ay dahil sa coronavirus, ‘di ba parang napaka-over ng reaction?

Alam natin na deadly ang coronavirus pero ang iwasan mo na tumulong at pabayaan na lang iyon tao na baka seryoso ang lagay, napakalupit ha.

Panic na ang nadarama ng lahat, totoo na dapat mag-ingat, pero ang OA na reaction hindi naman maganda.

Kaloka nga na parang nation of mask na tayo, lahat nakatakip na ang mukha, hindi na kikita mga make up artist kasi nga nakamaskara na lahat kaya   hindi na kailangan mag-make up hah hah. Kaya Salve blower na lang ng buhok ang gagawin sa iyo, waley na foundation at blush on dahil matatakpan lang ng mask hah hah, joke joke.

‘Envy can kill’

Hindi ko na talaga alam kung matatawa o iiyak dahil sa sobrang reaction ng mga kontrabida sa buhay ni Bong Revilla, Jr.

O sige, ayaw mo kay Bong, sa pulitika o pati sa showbiz, pero dapat ba maging ganun ka-cruel iyon over reaction na mga comment?

Iyon bang parang demonyo si Bong Revilla na wala nang nagawang mabuti sa buhay niya?

Iyon bang halos lahat ng mga mali sa kanya na ibibintang?

Bongga! Para tuloy naisip ko, who’s afraid of Bong Revilla? Sino ang ayaw na bumangon siya, sino ang takot sa kanya? Ano ano pa ba ang puwedeng ibintang sa kanya? Ano pa ba ang mga mali sa kanya? Ano pa ba?

Para bang lahat gustong ibintang sa kanya. Iyon bang gustong palabasin na siya ang pinaka-masama sa lahat. Hindi na lang inggit o galit iyon nararamdaman ng gustong sumira kay Bong para bang gusto na niyang ilibing si Bong Revilla at huwag ng bumangon.

Kaya nga lalo pa siyang nagagalit sa nakikita niya na pagtanggap ng marami kay Bong. Naging senador ulit, magkakaroon uli ng tv show, mahal ng mga taong higit siyang kilala.

Sabi ko nga, envy can kill, kaya baka dahil sa inggit mas mauna pa siyang mawala kesa kay Bong Revilla.

Sorry, siguro mas mahal ng langit si Bong kesa sa iyo, pathetic, lunatic character na walang makitang maganda sa mundo.

 Sorry, mas malakas si Bong sa itaas, tanggapin mo na iyan. Kaya hanggang bashing ka na lang. 

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with