^

PSN Showbiz

Beautiful sana, aktres may bitbit na kamalditahan sa taping

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Beautiful sana, aktres may bitbit na kamalditahan sa taping
Sen. Bong

May kakaiba rin palang dating ang isang female personality na nabigyan ng magandang oportunidad na makilala sa pamamagitan ng isang seryeng tumakbo nang napakatagal.

Suspetsa nu’n ng kanyang mga kasamahan sa serye ay may problema ang kanyang mga mata, kumukurap-kurap daw kasi palagi ang babaeng personalidad, ‘yun din daw siguro ang dahilan kung bakit hindi man lang siya nakikitang ni hindi bumabati sa kanyang mga dinadatnan sa set.

Pero may mga nagsasabing maayos naman ang kanyang paningin, 20-20 raw naman ang vision ng female personality, wala sa kanyang mga mata ang problema.

Kuwento ng isang source, “May kakaibang dating ang babaeng ‘yun! Matindi rin ang sumpong niya. May bitbit din siyang kamalditahan! Matindi ang mood swings niya!

“Kunwari, dumating na siya sa set, kapag okey ang mood niya, e, iniikot niya ang lugar, bumabati siya sa mga mas naunang personalities sa kanya.

“Pero kapag wala siya sa mood, e, dire-diretso lang siya, wala siyang keber sa mga nakakasalubong niya, diretso lang siya sa tent niya!” unang istorya ng aming source.

Cellphone daw ang bestfriend ng babaeng personalidad. Kapag break na nila sa trabaho ay agad na niyang hahawakan ang kanyang cellphone, marami siyang kinakausap, wala siyang pakialam sa kanyang paligid.

Isang source naman ang nagkuwento, “Naku, ‘yun ang bestfriend niya, telepono! Kung sinu-sino ang kinakausap niya, pero ang pinakamatagal niyang kakuwentuhan, e, ‘yung friend niyang very controversial ang lovelife!

“Kailangan ng interpreter kapag sila na ang nag-uusap, grabe silang magtawanan, grabe silang magbigayan ng payo sa isa’t isa lalo na tungkol sa lovelife nila!

“Siya ang sumbungan ng friend niya, alam niya ang lahat ng nangyayari sa buhay nu’ng kaibigan niya at nu’ng male personality na karelasyon ng BFF niya!

“At sosyal silang dalawa, ha? Palibhasa, e, madadatung sila, para lang silang bumibili ng candy kapag nagpapa-book sila papuntang ibang bansa!

“Ganu’n sila kayayamanin! Magkausap lang sila ngayon, pero bukas, e, nasa ibang bansa na sila! Sosi sila, ‘di ba naman?” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Sundot naman ang isa ang source, “Naku, kaya siguro nilalakasan ng kaeksena niyang female personality ang pagsapak sa kanya, e, nabuburibot na rin sa kaartehan niya ‘yung kalaban niya sa serye!

“Ay, makatotohanan ang kanilang mga eksena ng sampalan, beautiful!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sen.Bong mahaba  ang pisi ng pasensiya

 Kung pagiging mapagkumbaba ang magiging paksa ay nangunguna sa aming listahan si Senador Bong Revilla. Napakalaki na niyang artista, matagumpay pa siya sa mundo ng pulitika, pero hindi pinagbabago ng ka­yamanan, kasikatan at pagiging matagumpay ang kanyang ugali.

Nang ipanganak ang senador-aktor ay may kakambal siyang napakahabang pisi ng pasensiya. Inuunawa niya ang mga taong nagsasalita nang hindi maganda laban sa kanya.

Binibigyan niya ng kalayaan at katwiran ang mga taong tumutuligsa sa kanya. At hindi ‘yun kaplastikan dahil consistent ang kanyang ugali mula nu’n hanggang ngayon.

Sa ugaling ‘yun ni Senador Bong humahanga ang mga kababayan natin, walang masamang tinapay para sa kanya, palagi siyang naniniwala na wala sa kanya ang paghusga at paghihiganti kungdi nasa karma.

“Hindi ako nagtatago ng galit sa puso ko. ‘Yung mga taong gumawa ng hindi maganda sa akin, ipinagdarasal ko na lang sila. Lagi kong iniisip na may karapatan silang magsalita,” madalas sabihin ni Senador Bong.

Sa mga susunod na araw ay magsisimula na ang taping ng kanyang pagbibidahang serye sa GMA-7, ang Agimat Ng Agila, marami nang sabik na sabik sa kanyang pagbabalik sa harap ng mga camera.

Kung may mga kumokontra man sa kanyang pagbabalik ay mas nakahihigit ang porisyento ng mga kababayan nating naglagay sa kanya sa kung ano siya ngayon.

At ang mga kababayan nating buung-buo pa rin ang tiwala at pagmamahal sa kanya ang gustong handugan ng magandang proyekto ni Senador Bong Revilla.

Sabi ni prop, “Good sign ang mga tinatanggap niyang pagbatikos. That only means na nasa gitna pa rin siya ng laban. Nasa mainstream pa rin siya.

“Ang dami-daming personalities d’yan na halos tumambling na para lang sila mapansin, pero wala silang naa-achieve. Because Bong Revilla is Bong Revilla,” madiing komento ng kaibigan naming propesor.

Korek!

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with