^

PSN Showbiz

Aktor nagkaroon nang make over nang maalagaan ng beki

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagpistahan sa isang umpukan ang mga dating retrato ng isang male personality. Payat na payat pa siya, iba pa ang hugis ng kanyang ilong, malayung-malayo na ang kanyang itsura ngayon sa dati.

Kuwento ng mga nagpipistang beki ay ‘yun ang dating kabuuang itsura ng male personality bago siya naugnay sa isang sikat na beki personality.

Kuwento pa ng isang miron sa umpukan, “Tingnan n’yo ang nose niya, halatado bang nagkaroon ng nose job? Ang layu-layo naman ng itsura ng ilong niya nu’n sa ilong niya ngayon.

“Ang katawan niya, wala siyang abs, ang payat-payat pa niya! Wala pa ang mga nagmumura niyang muscles, parang ihawan pa ang dibdib niya sa kapayatan,” sabi ng unang source.

Pero mula nga nang maugnay na ang pangalan ng hunk personality sa isang sikat na beki ay nagbago na ang kanyang dating.

Sabi uli ng source, “Kita n’yo naman, matangos na ang ilong niya, ang ganda-ganda na ng katawan niya, bibilangin na natin ngayon ang mga abs niya!

“’Yun ang nagagawa ng kaginhawahan sa buhay, meron na kasing pangtustos, meron nang nag-aalaga sa kanya,” madiing sabi ng source.

Pinagdududahan ng mas nakararami ang pakikipag­relasyon ng hunk personality sa sikat na beki perso­nality. Ang sabi ay gagamitin lang niya ang beki na sobrang mahal na mahal siya ngayon.

Sabi naman ng isa pang source sa umpukan ay wala silang kinukuwestiyon tungkol sa relasyon ng hunk personality at ng sikat na beki, pero siguradong aalma sila kapag sinabi ng hunk personality na ang sikat na beki ang unang-una niyang nakarelasyong miyembro ng LGBTQ.

Reaksiyon ng source, “Ay, wala namang ganyanan! Huwag namang ganu’n! Hindi niya naman puwedeng itapon ang nakaraan. Huwag na huwag niyang sasabihin ‘yun dahil maraming beking magwawala!

“Please, huwag! Dahil maraming nakakaalam ng nakaraan niya, hindi niya puwedeng itapon ‘yun! Okey lang na nagmamahalan sila ngayon ng karelasyon niyang sikat na beki, wala kaming pakialam dun!

“Kung totoo namang nagmamahalan sila, e, bakit pa naman kailangang pakialaman ‘yun ng ibang tao? Pero basta, huwag lang siyang magkakama­ling magsabi na ang sikat na beki ang una niyang nakarelasyong beki! ‘Yun lang!” sobrang diing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Walang chance magkatuluyan Willie at Kris parehong matigas

Si Kris Aquino ang unang personal na bumati ng maligayang kaarawan kay Willie Revillame. Bisperas pa lang ng birthday ng aktor-TV host ay pumasyal na ang mag-iinang Kris, Joshua at Bimby sa studio ng Wowowin.

Matatag ang pundasyon ng kanilang pagkakaibigan, pareho pa silang nagtatrabaho sa ABS-CBN ay super-close na sina Willie at Kris, dahil paborito ng kanyang mga anak si Willie.

May mga pagkakataon nu’n na habang nagte-taping si Kris ng kanyang mga programa ay iniiwan niya si Josh kay Willie. Nandu’n lang si Josh sa dressing room ng kanyang Kuya Wil.

Mula nu’n hanggang ngayong pareho na silang hindi nagtatrabaho sa Dos ay buhay na buhay pa rin ang kanilang pagkakaibigan. Sa mga espesyal na okasyon sa buhay ni Willie ay pala­ging nakakaalala si Kris.

Kapag may sapat na panahon naman si Willie ay dinadalaw nito ang mag-iina, partikular na si Josh, na sobrang mahal ng aktor-TV host.

Hanggang ngayon ay nakatago pa rin ang text message sa amin ni Kris nu’ng 2017 pa, ang kanyang sabi, “He has been good to us, wala siyang hinihinging kahit anong favour during the time of Noy, kaya mahal namin siya lalo na ni Kuya Josh.”

Totoo nga na may pagkakaibigang patuloy na tumitibay sa paglipas nang maraming taon. Hindi man nagkikitang madalas sina Willie at Kris ay hindi humihina ang pundasyon ng kanilang samahan.

Pero hanggang du’n lang ang maaasahan sa kanilang dalawa, hindi sila puwedeng maging magkarelasyon, dahil siguradong giyera mundial ang magaganap kapag naging magkarelasyon sila.

Away-bati lang ang mangyayari, marami silang hindi pagkakasunduan, dahil parehong matigas ang kanilang ulo.

Ha! Ha! Ha! Ha!

vuukle comment

GAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with