^

PSN Showbiz

Joshua at Julia nawalan na ng kilig, pelikula nag-flop!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Joshua at Julia nawalan na ng kilig, pelikula nag-flop!

Siyempre, sa kanilang mga “official statement” ay halos ikaila nila ang sinasabing pagdededmahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto, pero papaano nga ba maikakaila iyon kung marami nang kumalat na video sa social media na nagpapatunay nga nun.

May isang bagay na nakakalimutan ang mga artista at maging ang publicists din nila. Akala yata nila kagaya noong araw na mga lehitimong reporters lamang ang nasa paligid. Ngayon kailangan todo ingat na sila, dahil kahit na sinong may cellphone, nakukunan sila ng video at mamaya lang nai-post na iyan sa social media.

Maski nga sa mga press confe­rence ngayon eh. Dati magkamali man ng statement ang isang artista, halimbawa ay nabigla, makagagawa siya agad ng correction. Eh ngayon makunan siya ng may hawak ng cellphone, kahit na mag-correct siya later on hindi naman ipakikita iyon ng mga cellphone journalists. Dahil siyempre mas kontrobersiyal ang nagkamali ang artista.

Maaaring sabihing hindi naman dedmahan dahil matapos iyon ay masayang-masaya sila, pero sabihin man ninyo iyan sa mga cellphone journalist, ano ang lalabas?

Kung noong araw ang mga personality ay takot na takot sa tinatawag nilang paparazzi, aba eh ano ba iyang mga cellphone journa­list ngayon, hindi ba parang paparazzi na rin?

Sa mga nabalita tungkol kina Joshua at Julia, talagang apektado ang resulta ng kanilang pelikula. Kung sa bagay horror naman iyon at hindi love story, pero aminin natin na nawala ang kilig factor na makatutulong din sana sa pelikula. Pero hindi mo rin lubusang masisi ang mga cellphone journalist, kasi nagsimula naman iyan sa “ghosting controversy”. Kung hindi nagkaroon ng mga ganoong tsismis, baka mas ok ang naging kapalaran niyan.

Music ni James ayaw ng fans 

Wala rin namang nababago pa sa career ni James Reid ang pag-aari nilang Reid Entertainment eh. Ni hindi pa niya nababawi kahit na ang kalahati lamang ng kanyang popularidad noong araw. Ang tagal kasi niyang nawala. Sa halip na gumagawa ng mga proyekto, naubos ang oras niya sa sinasabing pagtatayo niya ng isang music company at paglikha ng sarili niyang musika.

Siguro naniniwala nga si James na mas aangat siya bilang isang music man. Kaso ang kinalabasan niya ay parang pelikulang indie lamang, na wala namang naging resulta talaga.

Experimental music kasi ang ginagawa niya, na mukhang hindi kinagat ng masa.

Papaano niya ngayon makukumbinsi ang ibang artista na sumama sa kanya?

Dating aktor na naging cheap ang image, nagwawala nang makatanggap ng indecent proposal

Galit na galit ang isang dating male star at halos magmura na sa social media dahil may nagpadala raw sa kanya ng indecent proposal. Ang sinasabi niya “may pera ako at kaya kong bilhin ano man ang gusto ko. Huwag ninyo akong sabihan nang ganyan.”

Minsan naman kasi iisipin mo rin, baka kaya siya pinadalhan ng indecent proposal kasi karamihan ng mga picture na ipino-post niya sa social media ay nakahubad siya, at saka ano nga ang iisipin matapos na kumalat ang kanyang sex video?

Ang mga artista, sila ang lumilikha ng image nila. Kung magkamali sila, wala silang maaaring sisihing iba.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with