^

PSN Showbiz

Carla tumaba sa steroids

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Carla tumaba sa steroids
Carla

Bukas si Carla Abellana na pag-usapan ang tungkol sa karamdaman niya dahil marami na nga ang nakapansin sa pagdagdag ng kanyang timbang.

Ipinaliwanag naman niya ito sa mga nagtatanong sa kanya sa social media kung bakit lalo siyang lumusog.

Ito rin ang tinanong kay Carla nang humarap ito sa mediacon ng bagong drama series niyang Love of My Life na magsisimula na sa GMA Telebabad sa Lunes, February 3.

Ang nagulat lang kami, nagkaroon pa pala ng misdiagnosis sa kanya, dahil ang sabi raw ng Pulmonologist na una niyang pinuntahan, meron din siyang Asthma at kailangan niya ng Steroids na oral at intravenous. Iyun ang isa sa mga dahilan nang pagdagdag ng timbang niya.

Nilinaw ni Carla kung ano talaga ang sakit niya.

“Yun pong Tachycardia, and then I had liver damage, and then Hypothyroidism,” pakli ng Kapuso actress.

“Sayang nga po dahil sa misdiagnosis, nag-steroids pa po ako na hindi naman pala kailangan.

“So, lalo pa pong nag-cause ng weight gain yung Stereoids ko,” dagdag niyang pahayag.

Wala naman daw siyang balak na gawing legal action laban sa doktor na nagsabing may Asthma siya.

“Hindi po ako magdedemanda, pero I will just inform him and show him the test results para lang din po alam niya na…you know nangyayari po talagang ganun na may mga doctors na nagmi-misdiagnose,” malumanay na pahayag ni Carla.

Okay na raw siya ngayon at hindi naman daw ito nakakaabala sa trabaho niya, lalo na’t regular ang taping niya sa Love of My Life.

 “Yung Hyphothyroidism, we will start treating po this month or February kasi hindi muna namin ginamot since nagkaroon po ako ng liver damage dahil sa gamot ko sa asthma,” saad ng 33-anyos na Kapuso actress.

Hindi naman daw siya nasasaktan sa ilang nagku-comment na di maganda sa kanya.

Mabuti na ring napapag-usapan daw iyun sa social media, para maibahagi rin niya sa ilang may ganun ding pinagdaanan.

“I believe it’s also good na i-explain mo kung bakit para they know what is causing the weight gain. And then it’s also a way for other people to know more about the illnesses and…kumbaga marami pong nag-reach out sa akin na may mga ganun sakit din po pala sila. Ito po yung doktor na pinupuntahan nila, ano yung mga gamot na tini-take ko.

“So, okay po na nakapag-share kami sa isa’t-isa ng tips and advice from our own doctors,” pahayag ni Carla.

Ang Love of My Life ay mapapanood sa GMA Telebabad pagkatapos ng The Gift.

Mikael hindi na maalala kung paano nag-propose kay Megan

Doon pa rin sa mediacon ng Love of My Life, ay nakorner din namin si

Mikael Daez na masaya niyang ikinuwento ang tahimik at simpleng kasal nila ni Megan Young.

Hindi rin alam ng lahat, nung taong 2014 pa pala siya nag-propose kay Megan at ang nakakatawa pa, wala naman daw siyang singsing na ipinasuot sa proposal.

Hindi na nga raw niya maalala kung kailan talaga siya nag-propose, dahil hindi naman niya pinaghandaan iyun.

“Yung singsing na nakita nyo in my Instagram post, the blue one, I actually gave that January 1, 2020.

“Parang…yung lang urge na tanungin siya na mag-comit kay Megan…and sabi ko, niri-respect ko yung urge na ‘to, tinanong ko nga siya, and she said yes. And five years later, happily ever after di ba?” masayang pahayag ng Kapuso actor.

Totoong bago ang church wedding nila na ginanap sa Subic, Zambales nung January 25, nagkaroon daw muna sila ng wedding nung January 10 sa Calaruega sa Batangas na sampu lang daw sila sa seremonyang iyun.

Kaya dalawa ang wedding date nila, ang January 10 at 25.

Bahala na raw kung saang date na iyun nila isi-celebrate ang kanilang wedding anniversary.

Ngayon nga raw ay inspired siya sa ginagawa niyang drama series na Love of My Life, dahil iisa lang daw talaga ang masasabi niya sa ngayon, na ang misis niyang si Megan Young-Daez ang nag-iisa niyang ‘love of my life’.

 

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with