^

PSN Showbiz

Julia, maraming nakakalimutan ‘pag in love

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia, maraming nakakalimutan �pag in love
Julia

Noong isang taon ay naging kontrobersyal ang hiwalayan nina Julia Barretto at Joshua Garcia bilang magkasintahan. Ngayon ay nananatiling magkaibigan ang dating magkasintahan at ayon kay Julia ay nangangahulugang naka-move on na silang pareho sa naging relasyon. “Depende naman ‘yon sa inyong dalawa eh, and alam mo that’s when you know you both really moved on from each other when you’re over with that chapter in your lives. ‘Yung kaya n’yo nang maging magkaibigan and turn it into something beautiful,” paliwanag ni Julia.

Ayon pa sa aktres ay mas mabuting nagtatapos ang isang relasyon nang walang nangyaring closure. “Ako kasi Tito Boy, sometimes not having any closure is closure already. Ako ‘yon eh, why are we gonna have closure and tell each other what went wrong?” makahulugang giit ng dalaga.

Si Julia raw ang tipo ng babae na sobrang magmahal at ibinibigay daw ang lahat sa lalaking kanyang iniibig. “I am very sacrificial. Kapag mahal ko talaga, dami ko nang nakakalimutan. That’s what gets me in trouble all the time, right? It’s not something that I am ashamed of. Pero masarap magmahal ng todo-todo, Tito Boy. Walang pagsisisi ako,” paliwanag ng aktres.

Yayo, ayaw nang humanap ng kapalit ni William

Mahigit isang dekada na ang nakalilipas nang nagkahiwalay sina Yayo Aguila at William Martinez. Kahit matagal nang hiwalay sa asawa ay hindi naman umano naghahanap ang aktres ng bagong makakarelasyon. “Boyfriend? Naku, ayaw ko, mas gusto kong magtrabaho. Honestly kapag nagdarasal ako gabi-gabi, ‘Lord, okay lang, huwag mo akong bigyan ng love life kasi hindi ko naman ikamamatay ‘yon. Pero ‘yung wala akong trabaho, ikamamatay ko ‘yon.’ Para sa akin habang kaya ko pang magpuyat, mag-memorize ng lines, kaya pang umarte, mas gusto kong magkatrabaho. Kung bibigyan ako ng love life, why not? Pero bonus na lang ‘yon. Kung wala eh di okay lang,” nakangiting pahayag ni Yayo.

Aminado ang aktres na hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan si William kahit matagal na silang magkahiwalay. “As in friends talaga, hindi siya nawawala sa isip ko. Siyempre tatay siya ng mga anak ko. Tapos palagi kapag nakikita ko ang mga anak ko, maiisip ko ‘yung tatay nila. ‘Oh, dalawin n’yo ang tatay n’yo.’ Pero kahit ganito kami ay okay naman kami. Super okay ‘yung set up namin,” paliwanag niya.

Apat ang naging anak nina Yayo at William at ngayon ay mag-isang namumuhay ang aktor.

Para sa aktres ay mas maayos naman ang sitwasyon ng kanilang pamilya kahit nagkahiwalay na sila ng asawa. “Hindi ko sinasabi na pangit mag-asawa. Siguro husto na ‘yung twenty five years tapos nasanay na akong mag-isa. Kasi kaya ko naman, kinaya ko,” pagtatapos ng aktres.  (Reports from JCC)

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with