^

PSN Showbiz

Young actress na nabiktima hirap makaahon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Aktor ibang klase ang magnet sa landian!

Ipinapalagay ng marami na siguro’y nagsisisi na ngayon ang isang magandang young actress sa pagkakaladkad ng kanyang pangalan sa isang relasyon.

Matindi raw kasi talaga ang agimat ng male personality na sangkot sa kuwento, basta raw nakasama nito ang kahit sinong female personality may karelasyon man o libre, ay siguradong kakagat sa kanyang karisma.

Komento nga ng isang source tungkol sa aktor, “Ibang klase ang sex appeal ng lalaking ‘yun! Hindi talaga siya maiiwasan ng babae dahil minaster na niya ang pagiging flirt!

“At hindi lang ng mga girls, kahit sa beki, sobrang lakas ng dating niya! Matindi kasi siyang mag-flirt, aakalain talaga ng girl o ng beki na nagbibigay siya ng insinuation na type sila!” sabi ng impormante.

Ganu’n kuno ang naganap nang magkasama sa isang pelikula ang magandang young actress at ang ma-appeal na male personality. Wala silang pormal na relasyon pero may naganap sa kanila.

Balik-kuwento ng source, “Ibang klase nga kasi ‘yung guy, talagang maparaan siya. Kahit wala naman silang relasyon ng girl, ang maiisip ng babae, e, meron!

“’Yun ang nangyari nu’ng magkasama sila sa isang project. Sa story conference pa lang kasi, e, pinakitaan na niya ng tender loving care ang girl!

“Natural, tuwang-tuwa naman ang babae, nu’n lang sila nagkakilala nang husto, pero special na agad ang ipinakitang attention sa kanya ng lalaki!

“Hanggang sa ‘yun na nga, sa ibang bansa pa sila nag-shooting, malungkot ang girl dahil mukhang on the rocks na ang relasyon nila ng boyfriend niyang young actor din!

“Malakas tumunog ang male persona­lity, nararamdaman niya kung malungkot ang babae, du’n na siya pumapasok! Enter the dragon na siyang bigla kapag ganu’n ang sitwasyon!

“Kumagat ang girl sa pagiging malambing ng guy, overwhelmed siya sa ipinakikitang pag-aalaga sa kanya ng lalaki, ganu’n lang ‘yun!” napapailing na sabi ng source.

Matinding kontrobersiya ang ihinatid sa young female personality ng engkuwentro nila ng male personality. Totoo ang kanyang sinabi na wala silang relasyon pero hindi rin niya sinabing walang naganap sa kanila.

Pagtatapos ng aming impormante, “Siya ang matinding naapektuhan ng issue, kaya siguro ngayon, e, sising-sisi na siya! Ngayon lang niya maiisip na oo nga, bakit ba siya nagpatihulog sa kalambi­ngan ng male personality na may karelasyon pala!

“Magaling ang lalaking ‘yun! Flirt talaga siya! E, may nagpakilala nga lang sa kanila ng isang maganda ring young actress, kamukat-mukat nu’ng nagpakilala, nagpupunta na pala sa house niya ‘yung girl!

“May magnet siya sa mga girls at beki, basta, super-galing siya! Matindi siyang umatake, walang nakalalampas sa kanya!” nakairap pang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Live na live ngayon ang Wowowin!

Kaarawan ngayon ni Willie Revillame. Sa kanyang birthday ay gusto niyang magbigay ng saya sa mga kababayan nating nahihirapan-nalulungkot ngayon dahil sa matinding epekto sa kanila ng pagputok ng bulkang Taal.

Hindi nagbigay ng booking schedule si Martin Tamba, ang kanyang staff sa mga kababayan nating gustong manood ng Wowowin, dahil eksklusibo ang kanilang programa ngayon sa mga biktima ng Taal.

Sinserong sabi ni Willie, “Minsan lang akong mag-birthday sa buong taon. Gusto kong ihandog ang show sa mga kababayan nating hindi malaman ngayon kung paano sila babangon dahil sa pagputok ng bulkan. 

“Sila ang gusto kong makasama, sila ang gusto kong pasayahin, sila ang gusto kong regaluhan. Wala akong wini-wish na kahit anong regalo, ako mismo ang magbibigay ng regalo sa mga biktima ng Taal,” sabi ng kuya ng bayan.

Maaasahan na ang magkahalong saya at lungkot sa kabuuan ng Wowowin ngayong Lunes nang hapon. May mga iinterbyuhing tagapamuno ng kanilang mga barangay si Willie.

Ang mga pinili niyang maglalaro sa kanyang programa ngayon ay ang mga direktang winasak ng pagputok ng bulkan ang mga kabuhayan. Kung anu-anong tulong ang ihahandog sa kanila ni Willie para sa mabilisan nilang pagbangon ang tututukan ngayon ng buong bayan.

Malapit sa puso ni Willie Revillame ang probinsiya ng Batangas dahil marami siyang nabiling ari-arian du’n. Sakop din ng Cavite ang iba niyang properties na naapektuhan din ng bulkang Taal.

Maligayang kaarawan kay Willie Revillame! Mabuhay ka!

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with