^

PSN Showbiz

Mikael at Megan, dalawang beses nagpakasal!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mikael at Megan, dalawang beses nagpakasal!
Megan and Mikael

Para sa vlog ng magazine, GMA 7 binalewala?!

Nanggulat kahapon sina Mikael Daez and former Miss World Megan Young sa kanilang kasal na ginanap sa San Roque chapel in Subic, kung saan diumano lumaki si Megan.

Pero bukod sa wedding photos nila sa San Roque church, may wedding photos din sila sa Caleruega church in Nasugb, Batangas. 

May nagsabi na bago ang kasalan sa Subic, nauna na raw kinasal sina Mikael and Megan sa Caleruega church last January 10, bago pa man sumabog ang bulkang Taal.

Nagkaroon pa kahapon ng duda na baka naman sa Caleruega church talaga ang original plan nila at naudlot lang nga dahil sa pagputok ng bulkang taal.

Pero may isang nagsabi na dalawang beses talagang kinasal sina Mikael at Megan.

At mababasa ang details nito sa Metro Magazine  - ang first wedding last January 10 sa Caleruega church at kahapon, January 25 sa San Roque church, Subic.

Anyway, sa kanilang social media accounts lang nagkaroon ng announcement ang bagong kasal after the wedding kahapon ng hapon na mabilis na yumanig sa lahat ng social media platform.

“Megan Young-Daez & Mikael Daez-Young” ang simpleng caption ni Megan sa kanilang wedding photos.

Si Mikael naman ay “Hello to Megan Young-Daez and it’s time for me to get used to Mikael Daez-Young #Finally.”

Super simple lang ang kasal, walang pulitiko o taga-showbiz.

Ok na sana pero nasilip na dalawang beses silang kinasal dahil nga magkaiba ang altar sa kanilang wedding photos.

Magkaiba rin ang dalawang simple white dress na sinuot ni Megan.

Sa Caleruega, may pari rin sa photos nila pero sa San Roque Church, hindi nakita sa mga picture ang pari.

Wala rin makikitang guest sa dalawang naganap na kasalan.

Anyway, basta ang bottomline, nagulat ang mga kaibigan nila sa showbiz.

Maging ang home network diumano nila na GMA ay walang idea na may kasalang naganap kahapon.

Ang kapatid lang ni Megan na si Lauren ang nag-upload ng video ng kasal.

Ang kuwento naman ng isang source, exclusive for Metro Magazine ang nasabing kasalan na parang peg ang Brad Pitt - Angelina Jolie noon na binenta ang kasal sa People Magazine.

Ang hindi man lang daw inaalala ng bagong kasal ay ang kanilang home network na matagal silang inaalagaan at binibigyan ng career.

Aside from Metro mag, tiyak na mapapanood ang exclusive happening sa kanilang kasal sa kani-kanilang blog na pinagkakakitaan din nila.

At any rate, almost nine years na rin naman pala ang relasyon ng dalawa na nag-lie low nang koronahang Miss World si Megan. Nagtatago noon si Mikael sa tuwing dadalawin niya ang beauty queen sa London pero maraming Pilipinong nakikita sila minsang magkasama sa London noon.

Anyway, isa naman sa nag-congratulate sa kanila ay si Anne Curtis na nag-comment sa kanilang mga caption na gamit din ni Mikael ang apelyido ni Megan. “Awwwwww!!! Congratulations you two!!!  “See @erwan I told you! Taking on the last name of the bride is a thing now. ”

John Lloyd limot na nga ba?

vuukle comment

ANNE CURTIS

MEGAN YOUNG

MIKAEL DAEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with