^

PSN Showbiz

Show ni Willie charm na ang kaingayan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Show ni Willie charm na ang kaingayan!
Willie

Kapag nanonood ako ng Wowowin at nakikita ko ang mga tao, lalo na ang mga matatanda na nag-aagawan sa giveaways ni Willie Revillame, parang gusto ko silang sabihan na huwag mag-agawan dahil baka masaktan sila.

Pero nakikita ko naman ang katuwaan nila, ang ligaya sa mga bagay na ibinibigay sa kanila.

Priceless ang reaksyon nila kapag nagsimula na si Willie na magsalita ng “Bigyan ng jacket ‘yan’ at bigyan ng mga tocino at  longganisa.”

Para sa Wowowin viewers, malaking kayamanan ang mga natatanggap nila na regalo mula kay Willie.

Hindi masasabi na mahihirap ang karamihan sa studio audience ng Wowowin dahil marami ang mga balikbayan na pumupunta sa GMA-7 para makita nang personal si Willie at makapanood sa kanyang top rating game show.

Hindi mababayaran ang enjoyment na nararamdaman nila at ‘yon ang charm ng game show ni Willie na parang palengke dahil masasaya ang lahat, agawan ng mga premyo, mga masa ang kasali at kahit araw-araw, ganoon ang napapanood natin, okey lang basta masaya ang lahat.

Samantala, live bukas ang Wowowin dahil dedicated ito ni Willie sa mga biktima ng Taal Volcano eruption.

Imbes na magkaroon ng bongga na birthday party, mas pinili ni Willie na mamahagi ng tulong para sa mga kababayan natin sa Cavite at Batangas na naapektuhan ng pagputok ng bulkan na hanggang ngayon, binabantayan pa rin dahil any moment, baka muling sumabog tulad ng nangyari noong January 12.

Happy birthday Willie!

Marian at Dingdong perfect combination sa pagbuo ng pamilya

Kahit si Dra. Vicki Belo- Kho napansin ang malaking pagbabago kay Dingdong Dantes. Si Congressman Ronnie Ong naman, nagsabi na napaka-ideal mom ni Marian Rivera.

Perfect combination sina Dingdong at Marian, ang vision nila for a married life tugma at pareho sila ng iniisip para sa kanilang growing family.

Ang pagiging parents nila kina Zia at Ziggy, ang paraan ng pagpapalaki sa kanilang mga anak at ang hands on na pag-aalaga ang mga sign na seryoso sina Marian at Dingdong sa mga role nila as father and mother.

Ideal family set up ang pamilya Dantes at good na nandiyan din ang mother and father ni Dingdong, ang mother at lola ni Marian na katulong nila sa pag-aalaga kina Zia at Ziggy.

Happy, contented, strong family together ang Dantes couple. So proud of them. Magandang ehemplo para sa ibang mga artista na mag-asawa.

Christopher parang nakahanap  ng fountain  of youth

Sa edad ni Christopher de Leon kitang-kita na na-maintain niya ang magandang pangangatawan kaya parang natagpuan niya ang fountain of youth.

Hanggang ngayon, taglay pa rin talaga ni Christopher ang tikas na pang-matinee idol.

Mula pa sa generation nina Vilma Santos at Sharon Cuneta, mabenta pa rin si Christopher sa mga leading man role.

Pinag-iingatan niya talaga ang kanyang katawan, maintained ang kanyang maganda na pagdadala ng damit at hindi talaga matatawaran ang pagiging King of Drama.

Isa si Christopher sa mga aktor na malaki ang pagpapahalaga sa professionalism sa trabaho kaya never na nababakante at laging nasa isip ng mga tao na in charge sa  mga movie at television project. Bravo Boyet.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with