^

PSN Showbiz

Yam first time naka-bonding ang pamilya ng BF na mayaman

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Yam first time naka-bonding ang pamilya ng BF na mayaman
Yam

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasama ni Yam Concepcion ang pamilya ng kasinta­hang si Miguel Cuunjieng nang magbakasyon sila sa Hawaii kamakailan. Ayon sa aktres ay hinding-hindi niya makalilimutan ang naturang bakasyon na kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. “Pinakauna kong family trip with my boyfriend’s family. It’s nice kasi masaya siya na detox. Kumbaga nasa beach lang kayo and you’re spending time with your loved ones,” nakangiting bungad ni Yam. 

Limang taon nang magkasintahan sina Yam at Miguel at kahit long distance relationship ang sitwasyon ng dalawa ay maayos naman daw ito. Apat na taon nang nakabase sa Amerika ang binata dahil sa kinuha nitong master’s degree. “Ako nga rin nasu-surprise kung paano namin nagagawa. Pero I trust him so much, parang nabibigyan niya ako ng security. Siyempre may arguments din, ‘pag minsan nami-miss mo na umiinit na ‘yung ulo ko, lalo na sa work natin. Pero ayun, napag-uusapan naman,” pagbabahagi ng sexy actress.

Sue, tinatalikuran nila Gerald kapag nagbibihis 

Masayang-masaya si Sue Ramirez dahil nakabilang sa teleseryeng A Soldier’s Heart na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Jerome Ponce, Nash Aguas, Vin Abrenica, Yves Flores at Carlo Aquino. Kahit nag-iisang babae ay hindi naman daw nakaramdam ng pagkailang si Sue sa mga kasamahang bida sa naturang serye. “Sila ang dapat na mailang sa akin. I don’t have anything to be ilang about. Nagbibihis ako kahit saan,sila na lang ang tumatalikod. Sila ang mag-a-adjust, ako lang ang only girl. Sila ang mag-a-adjust sa akin,” natatawang pahayag ni Sue.

Samantala, matatandaang nagkahiwalay na ang aktres at Joao Constancia

bilang magkasintahan ilang buwan na ang nakalilipas. Tumagal lamang ng dalawang taon ang relasyon nina Sue at Joao.

Ayon sa dalaga ay maraming mga bagay ang kanyang natutunan mula sa naging relasyon nila ng dating nobyo. “Huwag na huwag kayong magmamadali. Huwag n’yong iisipin at huwag n’yong itatatak sa utak n’yo na ang taong kasama n’yo ngayon ay siya na ang habang buhay n’yong makakasama. I think kasi kapag gano’n ‘yung mindset natin ay medyo nag-e-expect tayo ng more from that person na sometimes ay hindi nila kayang ibigay, and hindi nila kasalanan ‘yon, kaya huwag din nating isisi sa kanila siguro. Be patient with yourself, huwag kang magmamadali sa lahat ng bagay, huwag kang ma-pressure at huwag mo ring i-pressure ang karelasyon n’yo,” makahulugang pahayag ng aktres.

Umaasa naman si Sue na darating din ang tamang panahon na muli siyang iibig at makakatagpo ng lalaking magmamahal nang lubos sa kanya. “I think tayong mga tao, inilagay tayo sa mundo para magmahal. At kung kailan n’yo ‘yon maramdaman, huwag n’yong ipagdamot sa sarili n’yo. Kung gusto n’yong magmahal agad, okay lang ‘yon. Kung gusto n’yo ng oras, okay lang din ‘yon. Basta huwag n’yo lang ipi-pressure ang sarili n’yo na pumasok sa isang bagay na hindi pa kayo handa. Basta maramdaman n’yo at sigurado na kayo siguro go for it. Kasi minsan lang dumarating ang chances at mga tao sa buhay natin baka mawala,” paliwanag niya. (Reports from JCC)

 

vuukle comment

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with