^

PSN Showbiz

Magaling na aktor, takot mainitan dahil sa mga pinasaksak sa mukha!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Napapansin na pala ng mga kaibigan ng magaling na aktor na ito na takot na takot daw sa init.

May activities sila na hindi maiwasang ma-expose sila sa matinding sikat ng araw.

Takip na takip daw ang mukha nito dahil iniiwasan niyang mainitan siya.

Ilang beses na kasing na-botox ang fez (read: face), at parang meron pa raw itong ipinaayos.

Kaya ingat na ingat siyang mainitan dahil baka nga naman masira pa ito.

In fairness naman kay magaling na aktor, iniingatan lang niya ang mukha niya para magmukhang bagets pa rin, pero siyempre nagkakaedad na, hindi talaga maitago ang bakas ng panahon.

Pero ayaw ni aktor, gusto niya mukhang bata pa rin kahit father role na rin naman ang ginagampanan, at minsan nga hindi mo na nakikita ang emosyon sa mukha nito dahil sa kung anu-ano na ang pinapagawa nito.

AiAi ayaw nang saklolohan si Jiro

Nagbigay na rin si AiAi delas Alas ng pahayag kaugnay sa nangyari kay Jiro Manio na sinampahan ng kasong frustrated homicide.

Mahigit 11 minutes din ang IGTV ni AiAi na kung saan inilahad niya ang lahat na ginawa niyang tulong sa dating child actor pagkatapos itong nakitang pagala-gala sa may airport.

Ipinasok ito ni AiAi sa rehabilation center na umabot din daw ng halos walong buwan.

Malaki ang nagastos doon ng Kapuso Comedy Queen, pero wala rin nangyari dahil hindi rin siya gumaling.

Hanggang sa dinala nila ito sa isa ring rehab uli sa Bataan at doon nagtagal si Jiro.

Halos dalawang taon din doon si Jiro na dinadalaw din ni AiAi paminsan-minsan, hanggang sa pinayagan na itong lumabas at doon lang muna sa Bataan siya puwedeng umikut-ikot.

Pati nga ang paghahanap sa tatay ni Jiro sa Japan ay ginawa na rin daw niya, pero parang nagtampo na rin daw ito sa kanya at kaugalian na rin daw sa Japan na pagtuntong ng anak ng 18 years old, hindi na raw ito pinapakialaman ng magulang.

Lalong ikinadismaya ni AiAi nang may nagsumbong na raw sa kanya na nagma-marijuana na naman daw si Jiro.

“Dun yung time na sabi ko, wala na to. Parang pakiramdam ko, lahat na ibinuhos kong effort, lahat ng tulong, pangaral, suporta sa pamilya…parang natapon na lang nang ganun.

“Parang nasa rehab ka, bakit ka nagma-marijuana? Parang ang dating sa akin, napagod na ako,” medyo gumaralgal nang pahayag ni AiAi.

“Nung ni-rehab ko siya 23 years old siya hanggang 24, 25, 26. Matanda na siya. Hindi naman siya 17 o menor de edad. So, sabi ko tama na yung nagawa ko para sa kanya.

“Hindi ko na siya pinansin nung sinabi niyang uuwi na siya, lalabas na siya sa rehab,” dagdag pang kuwento ni AiAi.

Magmula nun, wala na raw silang komunikasyon

Dagdag na pahayag ni AiAi na kung saan gumaralgal na ang boses nito; “Ako, bilang nanay-nanayan niya, siguro naman, alam ng nasa Itaas kung anong effort iyong nagawa ko, at naitulong ko sa kanya.

“Na sana, pinahalagahan niya. And sana, iyong pamilya niya din, kahit papaano, sinuportahan siya sa lahat ng bagay — siguro, hindi siya ngayon nandito sa ganyang sitwasyon.

“So, ako po ay... siguro, ang pinakamagagawa ko na lang ngayon ay magdasal, at hinihingi ko rin po na ipagdasal natin siya.

“Sana malagpasan niya itong lahat na nangyari sa kanya.”

Mensahe ni AiAi sa ilang nagkukomentong pinabayaan na lang niya si Jiro;

“Doon po sa mga nagdya-judge po sa akin… God bless po.

“Alam po ng nasa Itaas kung ano ang laman ng puso ko, at kung ano talaga ang ginawa ko kay Jiro para mapabuti siya.”

Samantala, may mga lumabas na rin sa Facebook na nagsasabing ipinagtanggol lang daw ni Jiro ang sarili dahil sa inunahan naman ito ng taong nasaksak niya.

Hinampas daw siya ng helmet kaya nasaksak niya ito.

Pero nakasuhan na ito kaya sana nga ay maipagtanggol nito ang sarili sa korte, at base sa mga pahayag ni AiAi, hindi na niya ito pakikialaman.

Mahigit isang libo na ang nagbigay ng komento sa post na iyun ni AiAi. Ilan sa mga kaibigan niya kagaya nina Marian Rivera, Ogie Alcasid at Sheena Halili ay nag-comment nang pakikisimpatiya sa komedyante.

Malamang na itong isyu pa rin ni Jiro ang itatanong sa kanya ngayong very visible siya sa promo ng pelikula niyang D’Ninang na magsu-showing na sa January 22.

Mamayang gabi ay magkakaroon ng red carpet premiere sa SM Megamall na dadaluhan ng buong cast ng pelikula at ilan pang kaibigang sumusuporta sa pelikulang ito ni AiAi kasama sina Kisses Delavin, McCoy de Leon, at marami pa.

vuukle comment

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with