^

PSN Showbiz

Aktres na bato na ang puso, di marunong magpatawad!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming taon na ang nakararaan mula nang maghiwalay ang showbiz couple na nagsimula ang relasyon nu’ng mga bagets pa lang sila pero hanggang ngayon pala ay may kimkim pa ring mga sama ng loob ang mommy ng male personality sa kanyang ex-manugang.

Marami nang nagninong at nagninang para sa kanilang pagkakasundo pero bigo ang lahat. Hindi pa rin lumalambot ang puso ng ex-biyenan ng aktres.

Kuwento ng isang source, “Minahal naman kasi niya nang husto si ____(pangalan ng female personality). Dahil sa kanya ang lalaki, spoiled sa kanya ang manugang niya!

“Ginagawa niya ang lahat-lahat, walang hindi si mommy para sa kanya, pero hindi ‘yun pinahalagahan ni manugang!” simulang kuwento ng aming impormante.

Tanggap naman ng biyenan ng aktres na may mga pagkukulang ang kanyang anak, ‘yun nga ang dahilan kung bakit ito ang nagpupuno, pero sa hiwalayan pa rin nauwi ang kanilang relasyon.

Balik-kuwento ng aming source, “Ang sama ng loob ng mommy ng male personality, e, hindi naman para sa kanya kundi para sa mga apo niya!

“Nakita niya kasi kung paano nasaktan nang husto ang mga bata, iyakan sila nang iyakan, dahil sa paghihiwalay ng parents nila. Si mommy ang sumuporta sa mga apo niya.

“Siya ang parang naging second mom ng mga bata, siya ang nagpapaunawa sa nangyari, dinoble niya ang pagmamahal at pag-aasikaso sa mga apo niya.

“Gumagawa rin siya ng paraan para magkasundo pa sana ang anak at manugang niya, pero matigas ang loob ng babae! Hindi siya pinakikinggan, hindi rin niya inalala ang mga anak nila ng aktor!

“Tumigil na lang si mommy nu’ng minsang kausapin siya ng isang kaibigan. Ang sabi sa kanya, ‘Sino ka ba para pagbigyan ng manugang mo? E, kung ang tao ngang kumupkop sa kanya, e, hindi niya kasundo? Ikaw pa ba?’

“Oo nga naman, naisip ni mommy, kung ang babae ngang nagpalaki sa kanya at nagturing na parang tunay na anak, e, kinakayang hindi kausapin ng girl, siya pa kayang biyenan lang naman?

“Kaya hanggang ngayon, e, hindi pa rin lumalambot ang puso niya para sa ex ng anak niya, naaalala niya kasi ang iyakan ng mga apo niya nu’ng umalis sa kanilang bahay ang aktres.

“Tinanggap niya na lang ang pangyayari, a million thanks to you na lang ang nasabi niya sa kanyang manugang,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mocha mas abala sa ‘fake news’ kesa sa pagtulong sa pagputok ng bulkan

Umariba na naman sa pagpapalaganap ng fake news si Mocha Uson. Siguro nga, dahil sa kawalan niya ng magagawa ay pinuntirya na lang niya si Vice-President Leni Robredo, ipinamalita niya na limang piraso lang daw ng pandesal at tubig ang ipinamahagi nito sa mga sinalanta ng pagputok ng bulkang Taal.

Habang ang lahat ay aligagang-aligaga sa pagkalap ng donasyon para sa mga kababayan nating naghihirap sa Batangas at sa mga kalapit na probinsiya ay heto naman si Mocha Uson, nakuha pa niyang magpakalat ng balitang salat naman sa katotohanan, makapanakit lang siya ng taong kalaban ng kanyang kampo.

Ganyan talaga ang mga taong epal, wala na ngang naitutulong, pabigat pa sa dinadalang pagsubok ng ating bayan.

Ke isang pirasong pandesal lang at isang basong tubig ang nakayanan ni VP Robredo ay labas na du’n si Mocha, dapat pa nga siyang magpasalamat dahil may mga taong-gobyernong may malasakit at pagmamahal sa mga kababayan nating lugmok sa problema, hindi niya katulad na wala na ngang naitutulong ay naninira pa!

Pinakakain ngayon ng ampalaya at pinalulunok ng apdo at asupre ng mga netizens ang dating hubaderang singer, gusto na nga siyang itulak sa loob ng bunganga ng bulkang Taal ng mga nagagalit sa kanya, dahil sa halip na pasalamatan niya ang mga nagbibigay ng tulong ay ginagawa pa niyang tanga at katawa-tawa.

Walang kadala-dala ang babaeng ito na isinuka na ng PCOO, olat nang tumakbo bilang kinatawan ng Party List, ano pa bang kabiguan ang kailangan niyang matikman para tumigil na siya sa kanyang mga fake news?

Bilang panghuli, alam kaya ni Mocha Uson na ito kung saan matatagpuan ang Taal Volcano, baka naman tulad ng bulkang Mayon ay hindi niya rin alam kung saan matatagpuan ang nag-aalburotong bulkan ngayon?

vuukle comment

SHOWBIZ COUPLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with