^

PSN Showbiz

Mga nag-iingay at nanunumbat karaniwang hindi tumutulong sa nangangailangan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga nag-iingay at nanunumbat karaniwang hindi tumutulong sa nangangailangan
Luis

Kung minsan talaga, hindi mo masisisi ang mga artistang napipikon sa mga basher lalo na kung lahat ng gawin nila hinahanapan ng mali. Ilan sa mga artista na totoong matulungin at aware sa mga nagaganap sa paligid natin ay sila Dingdong Dantes, Luis Manzano at Alden Richards.

Tunay at galing sa puso ang pagtulong nila, hindi nila ipinag-iingay pero alam mo na kumikilos sila para tumulong.

Mula’t sapul sa umpisa pa lang ng career nila, nandun na sa puso nila ang pagmamahal sa less fortunate.

Mababalitaan mo na lang na may natulungan sila, meron ibinigay na tulong, nagpahatid biyaya pag iyon mismong tao na natulungan nila ang nagsalita.

Legendary ang pagiging charitable nila Dingdong, Luis at Alden.

Marami ang nagpapatunay ng pagiging generous ng tatlong actor, kaya sana, iyon mga judgemental at walang magawa kundi pumuna ng kapwa nila tumigil na.

Iyon pagtulong na bukal sa loob at si God ang nakakaalam. Siya ang magbibigay-biyaya sa tao na nagbigay nito.

Usually iyon maingay at nanunumbat iyon ang walang itinulong. Dapat mabaon sila sa ashfall at kainin ng bulkan Taal. 

Jiro nakakaawa ang naging kapalaran!

Sad naman ang balita na nanaksak ang former child actor na si Jiro Manio noong Biyernes sa Marikina City.

Ang akala nating lahat, tahimik na ang buhay ni Jiro at gumaling na siya mula nang ipagamot ni AiAi Delas Alas sa isang drug rehabilitation center sa Bataan.

May balita pa nga na nag-aral si Jiro ng martial arts at nagbalik-loob sa Diyos kaya marami ang naniwala na tuloy-tuloy na ang kanyang pagbabagong-buhay hanggang ito ang balita na nanaksak siya.

Nakakalungkot ang mga nangyari kay Jiro na isang multi-awarded child actor pero nawalan ng direksyon ang buhay.

Ang alam ko,  May dalawang anak na si Jiro kaya kailangan nito na magkaroon ng stable job para matustusan niya ang pangangailangan ng mga bata.

Mahusay umarte si Jiro at puwedeng-puwedeng bumalik sa showbiz. kaya Siguradong marami ang tutulong kay Jiro.

Mabigat ang maakusahan ng frustrated homicide.

Maalalang si AiAi ang tumulong kay Jiro nang matagpuan ito na parang wala sa sarili na nakatambay sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport noong 2015.

Balitang nagbabad si Jiro sa airport dahil gusto niya na makarating sa Japan para makilala ang kanyang biological father.

Ipinagamot ni AiAi si Jiro sa isang private drug rehabilitation center at nagpunta pa siya sa Japan para hanapin ang Japanese father ng dating child actor pero tumanggi ito na humarap sa kanya.

Kung hindi rin ako nagkakamali, binigyan siya ng trabaho sa rehabilitation center sa Bataan pero lumabas din daw si Jiro dahil mas gusto ng kanyang pamilya na i-resume niya ang acting career.

Pero hindi nakabalik si Jiro sa showbiz dahil ang latest news, nagtatrabaho siya bilang waiter sa isang restaurant.

walang masamang maging waiter pero baka nahirapan si Jiro na tanggapin ang katotohanan dahil nami-miss niya ang dating buhay bilang artista.

 

 

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with