^

PSN Showbiz

Dahil sa ‘di nakitang tatay, Jiro Manio nagkawindang-windang ang buhay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Dahil sa �di nakitang tatay, Jiro Manio nagkawindang-windang ang buhay
Jiro

Ano nga ba kasi ang naging buhay ni Jiro Manio matapos na lumabas sa rehab? Matapos na matagpuan na pagala-gala noon sa airport, tinulungan ni AiAi delas Alas at ipinasok nga sa rehab. Ok naman noong una, pero ewan kung ano ang nangyari at tila nakunsumi na rin si AiAi, kaya napabayaan din.

Maraming problema ang batang iyan, pero ang talagang gumugulo sa isipan niya ay gusto niyang makilala at makasama ang tatay niyang Hapon. Pero may problema naman yata kaya hindi siya kinikilala ng tatay niya base sa kuwento ni AiAi noon.

Obviously, matindi pa ang problema niya dahil ayon sa ulat ng pulisya, nakasalubong niya sa kalye sa Marikina ang isang nakilalang si Zeus Doctolero at agad niyang inaway. Nagkasuntukan silang dalawa at pagkatapos noon ay sinasabing sinaksak niya nang tatlong ulit si Doctolero. Nang hulihin ng pulisya, ikinatuwiran ni Jiro Manio na kaya niya sinaksak si Doctolero ay dahil nauna raw iyon na pinukpok siya ng helmet. Nakulong na naman si Jiro, at mabigat na kaso iyan. Tangkang pagpatay.

Ewan kung sino ang tutulong kay Jiro this time, o kung papaano siyang tutulungan sa kasong ‘yan.

Ang natatandaan namin, mayroon naman siyang pamilya at mayroon siyang isang kapatid na lalaking tumutulong din sa kanya noon pa man, pero siyempre limitado lang din naman ang tulong dahil hindi naman kumikita nang ganoon kalaki.

Marami ang nanghihinayang kay Jiro dahil ilang ulit na naman niyang napatunayan na siya ay isang mahusay na actor. Nanalo pa nga siya ng awards maski na sa abroad. Pero kung ganyan ngang naging talamak na yata ang bisyo niya, parang napakahirap nang umahon.

Sana naman may magawa pa siyang pagbabago sa sarili niya.

Musical director na gumawa

ng music sa Buling-Buling at Santa Clarang Pinong-Pino, inalala

Pista rin lang ng Sto. Niño ngayon, may isang trivia na gusto naming i-share sa inyo. Noong araw ay naging kaibigan namin ang musical director ng mga pelikula at composer na si Pastor de Jesus. Mahigit na limampung pelikula rin yata ang nagawa niya, karamihan ay sa Sampaguita Pictures kung saan siya ang musical director. Basta dinadalaw namin si Mang Pat sa kanyang bahay sa Pandacan, magpapatimpla agad siya ng kape at uupo na sa harap ng piano. Kasi baka may maitanong ka­ming kanta, tutugtugin niya agad iyon sa kanyang piano.

Pero may kuwento si Mang Pat. Isang gabi raw ay naroroon din siya sa harap ng kanyang piano. Biglang pumasok sa isip niya ang Sto. Niño. Tinipa niya ang piano at may nabuo siyang isang himig, at ang kuwento niya sa amin, iyon nga ang musikang ginagamit sa Buling-Buling, iyong pagsasayaw sa kalye bilang parangal sa Sto. Niño. Siya rin ang nagsabi sa amin, na iyon din ang himig ng isa pang kantang relihiyoso na isinasayaw naman sa Obando, iyong Santa Clarang Pinung-Pino, pero tinutugtog lang nang mas mataas ng isang octave sa piano.

Ngayon nga, iyon ang isinasayaw sa Pandacan, na bahagi na ng isang tradisyong relihiyoso at cultural ng mga taga-roon. Iyan ay isang tradisyong nagsimula sa Maynila.

Naalala lang namin si Mang Pat, na mahigit 30 taon na rin naming hindi nakikita. Pero ikinatutuwa namin na kinikilala naman sa Pandacan na si Mang Pat nga ang gumawa ng musika ng Buling-Buling, na nilapatan naman ng titik ng kaibigan niyang si Ernesto Mendoza.

Iyang mga kagaya ni Mang Pat, ‘yan sana ang inalala nila at pinarangalan noong 100 taon ng industriya ng pelikula sa bansa. Nakagawa siya nang napakaraming musikang pampelikula, iyon nga lamang ang mga pelikulang iyon ay wala na sigurong kopya sa ngayon.

vuukle comment

JIRO MANIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with