^

PSN Showbiz

Sumaludo sa social workers Dingdong sumaglit sa pamimigay ng relief goods

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ang pictorial ng Descendants of the Sun na ginanap sa may Coop Building ng GMA 7. Pero bago tumuloy doon si Dingdong Dantes, sumaglit pa pala siya ng Batangas para mamigay ng relief goods at tulong doon.

Sa Balayan, Batangas sila pumunta, na kung saan kasama niya ang Yes Pinoy Foundation, ang Philippine Navy at ang co-star niya sa DOTS na si Rocco Nacino.

Marami raw silang dalang relief goods para sa mga naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.

Nakakatuwa raw dahil marami ang gustong magbigay ng tulong at nagkakaisa para matulungan ang mga apektadong tao ng naturang trahedya.

“Marami ang willing tumulong. Naghahanap lang sila ng tama o siguro yung pinaka-accessible na paraan kung paano,” pakli ng Kapuso Primetime King.

Nakikita raw na talagang buhos ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya, mga grupo at pati mga ordinary citizen. “Siyempre, ang unang lalabas sa ‘yo na maisip mo ‘yung matagal na gaya ng Red Cross na talaga maasahan mo. And of course ang gobyerno natin na of course they’re really doing their job. Pero me­ron din namang civil society na gustong tumulong,” pahayag ni Dingdong.

Kagaya ng actor, pumunta rin sa Sto. Tomas, Batangas sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kahit nga si Karla Estrada ay nagbenta ng pre-loved items niya sa kanyang parlor sa Quezon City, para ang kita ay ibibigay na tulong sa Batangas.

Kaya malaking bagay talaga kapag may celebrity na involved, malaking bagay ito sa mga taong naapektuhan. Hindi maiwasan sa mga kagaya nilang celebrities ang focus at minsan ay naba-bash pa. “Nangyayari lang siguro naha-highlight lang. Pero sa totoo lang, ang dami nang gumagawa niyan,” saad ni Dingdong.

“Nandiyan pa yung nga unsung heroes. The real story is of our true heroes on the ground, are our social workers.

“Ang mga volunteer na para sa kanila, ito talaga dedication, hindi lang ito one time thing na porke’t meron nang relief, isang bigayan, uwi.

“We should also be grateful for them. Kung wala naman ang tulong ng bawat isa…lahat ng ‘yan significant. Isipin mo kung lahat gumagawa ng ganun eh di mas maraming mararating.

“Pero itong workers on the ground, lalo na ang mga social workers, talagang saludo ako sa kanila,” sabi pa ni Dingdong.

Samantala, hindi itinatanggi ni Dingdong na na-pressure siya sa Descendants of the Sun, dahil big hit at sikat ang Koreanovelang ito, at hindi maiwasang ikumpara ang Pinoy adaptation sa original.

Pero kailangang kalimutan daw niya iyun at malaking challenge din sa kanila na sundin ang original, pero may mga ibang kailangan i-twist para ma-adjust sa mga pangyayari sa atin.

Excited din siya sa first tandem nila ni Jennylyn Mercado na dati ay siya pa ang host ng Starstruck na sinalihan ng aktres, ngayon ay leading lady na niya.

Jennylyn kabado sa concert nila ni Dennis    

Bukod sa DOTS, isinisingit ni Jennylyn ang rehearsals sa Valentine concert nila ni Dennis Trillo na Co-Love na gaganapin sa New Frontier Theater sa February 15.

Talagang kinarir daw nila ang repertoire na pinag-isipan ng buong team nila, ang magdidirek na si John Prats at ang musical director nilang Third Avenue.

“Kinakabahan kami kasi first time magsu-show together tapos yung mga song medyo dibdiban, kaya ayun, medyo puspusan ang paghahanda namin ni Dennis.

 “Ang bawat kanta, may koneksyon sa amin, at makaka-relate din ang ibang tao,” excited na pahayag ni Jennylyn nang nakatsikahan namin sa pictorial ng Descendants of the Sun.

Bukod sa mga kinarir na special numbers, matindi rin ang mga guests  nila na ilan sa kanila ay sina Alden Richards, Alex Gonzaga, Juan Karlos and the band, Janno Gibbs, Nyoy Bolante, Jerald Napoles, Kim Molina at marami pa.

 

vuukle comment

DINGDONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with