^

PSN Showbiz

Krisis sa pelikula, ilusyon lang?

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Kikita raw ba ang mga pelikulang Pilipino ngayong nagkaroon ng kalamidad?

Hindi namin maintindihan kung bakit ang mga gumagawa ng ilang pelikula ay ipinipilit na may krisis sa industriya. Hindi rin namin alam kung bakit sinisisi nila ang mga kalamidad. Hindi rin namin maintindihan kung bakit sinisisi nila ang piracy at ang mga pelikulang dayuhan.

Napatunayan nating walang krisis sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Dalawang ulit na kumita nang halos isang bilyon ang dalawang pelikulang ginawa ni Kathryn Bernardo. Nitong nakaraang festival, apat na pelikula ang kumita ng malaki. Ang pelikula ni Aga Muhlach, nasa ikatlong linggo na, nakikipagsabayan pa sa Star Wars at nakalamang pa.

Huwag ninyong sabihing hindi napirata iyan. Kasisimula pa lang ng festival may nag-aalok na ng kopya ng pelikula ni Aga na maisasalin sa inyong flash drive, kasama ang pitong iba pang pelikula sa halagang isandaang piso lang. Pero pinanood ito ng mga tao sa sinehan dahil gusto nila.

Isang maliwanag na bagay ang lumalabas, walang krisis kung gusto ng mga tao ang kanilang panonoo­ring pelikula. Kahit na sabihin ninyong maganda ang pelikula ninyo, at ang gusto ninyo ay itaas ang kalidad ng pelikulang Pilipino, kung ayaw naman ng Pilipino sa “kalidad ninyo” hindi nga kayo kikita at wala kayong dapat sisihin kung hindi ang sarili ninyo.

Hindi rin totoo na pinapaboran ng mga sinehan ang mga pelikulang dayuhan. Nasa third week si Aga, bagong showing ang Star Wars, pero pareho silang may dalawang sinehan. Bakit? Kasi kumikita ang pelikula. Simple lang iyan eh. Baka hindi nila gusto ang inyong mga artista.

Baka hindi nila gusto ang inyong mga kuwento. Baka hindi nila gusto ang pagkakagawa ninyo ng pelikula ninyo.

Kung iisipin ninyong lahat ng posibilidad, walang may kasalanan kung hindi kayong mga gumagawa rin ng pelikulang Tagalog.

ABS-CBN franchise malaki na raw ang chance sa kongreso

Ipinagmamalaki ng ABS-CBN na muling pumirma sa kanila ng tatlong taong exclusive contract sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Eh bakit naman hindi, saan pa ba sila pupunta?

Ikalawa, kung may offer bang mas malaki ang ibang network, hindi ba’t tatapatan iyon nang mas malaki ng ABS-CBN eh alam nilang gold mine ang dalawa? Kapag pinakawalan mo ang dalawang iyan, talo mo pa ang nalasing sa clorox. Pababayaan mo bang mawala iyong talagang kumikita nang malaki para sa kumpanya mo?

Eh sa ngayon wala nang ibang malakas na loveteam. Aminin man natin o hindi, wala nang natira sa mga love­team. Wala nang maaaring itapat pa sa KathNiel.

Malaking bagay iyong nakuha nila ang KathNiel. Kung mawala man ang kanilang franchise, pag-aagawan pa rin ang kanilang ginagawang content. Eh ang franchise nila baka nga raw makalusot sa kongreso, pero hindi pa man ay may quo warranto petition nang hinihingi para pigilin iyon ng Korte Suprema.

Iginigiit nga ng Solicitor General na kinakitaan nila ng mga paglabag ang ABS-CBN sa kanilang franchise at dahil doon, sinasabing hindi sila karapat-dapat na bigyan ng panibagong franchise. Ito ay sinasabing ihaharap ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema sa loob ng ilang araw. Hindi naman nila sinabi kung ano ang mga nakita nilang paglabag.

May mga sources ding nabigla, dahil iyan daw quo warranto proceedings laban sa ABS-CBN ay ni hindi nga napag-usapan sa kanilang cabinet meeting.

Kailangang hintayin na lang natin ang ihaharap na kaso para maliwanagan natin kung ano nga ang nakita nilang dahilan at paglabag sa franchise.

vuukle comment

KRISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with