^

PSN Showbiz

Bashing walang epekto, Bong walang atrasan sa Agimat!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bashing walang epekto, Bong walang atrasan sa Agimat!

Nang pumutok ang Taal volcano nung nakaraang Linggo, nag-decide na kaagad si Sen. Bong Revilla na huwag na munang ituloy ang pa-Thanksgiving niya sa mga kaibigang movie press.

Magmula nun ay tumutok na sila sa susunod na mangyayari lalo na’t may mga apektado na sa Cavite. Hanggang sa may mga pina-evacuate sa Alfonso na tinutulungan din nina Mayor Lani Mercado at Vice Gov. Jolo Revilla.

Dapat ay nung kamakalawa pa pupunta si Sen. Bong sa Batangas para magdala ng relief goods, pero si Pres. Rodrigo Duterte na ang pumunta kaya  hindi na siya sumabay.

Ngayong araw ay naka-schedule na siyang umikot doon, pero uunahin muna niya ang ilang bahagi ng Cavite na naapektuhan.

Natutuwa lang daw siya sa mga taga-showbiz na nagkukusang kumilos para makapagpadala ng tulong sa mga nasalanta sa Batangas.

Nakita sa Instagram account ni Pokwang na abala sila sa pag-repack ng mga pagkain para ipadala sa Batangas.

Si Angel Locsin ay kaagad na kumilos pero ayaw lang daw nitong ipamalita.

Marami pang mga nag-volunteer na gustong tumulong sa pagbibigay ng relief goods.

Samantala, patuloy pa rin ang ensayo ni Sen. Bong para magsimula sa taping ng Agimat ng Agila sa GMA 7.

Wala pang ina-announce ang mga taga-production kung sino ang makakasama niya.

Mia apektado ng bulkAng Taal!

Nakakapanlumo na bumalik na naman sa mahinang turnout sa box-office ng pelikulang ipinapalabas ngayong taon.

Ang pelikulang Mia nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman ang first local film na ipinalabas ngayong 2020, pagkatapos ng Metro Manila Film Festival.

Nagbukas na ito kahapon at unfortunately, hindi pumalo sa takilya sa mga unang screening nito. Ayon sa mga napagtanungan ko kahapon, as of 1pm daw ay hindi pa umabot ng 50 thousand ang kinita nito.

Ewan ko lang kung dumami ang mga manonood sa gabi. Pero inaasahan nang hindi ito gaanong magpapakitang-gilas sa takilya dahil sa pagputok pa ng Taal ang concern ng mga tao.

Sana humupa na ito para hindi na maaapektuhan ang mga susunod na pelikulang ipalalabas. Naka-schedule na kasi sa January 22 ang showing ng D’Ninang nina AiAi delas Alas at Kisses Delavin.

Sana huwag na itong sabayan ng bulkang Taal.

Mark naglabas ng nararamdaman sa break up song

Bago ang mga Valentine show sa February 14 at 15, uunahan munang mag-concert ng mga Kapuso artists na sina Christian Bautista, Aicelle Santos at Mark Bautista.

Si Mark ang nakaisip ng title ng concert na 1 for 3 na gaganapin sa The Theatre at Solaire sa February 1.

Matagal na raw nilang  nabuo ang concert, at ngayon lang ito na-materialize na silang tatlo rin ang nag-produce.

Sana maganda raw ang kalalabasan dahil balak nilang i-tour ito kapag maganda ang resulta.

Ang isa sa aabangan sa naturang concert na ididirek ni Paolo Valenciano ay ang mga original songs na kakantahin nila. Maganda yung pina-sample nila sa mediacon kahapon lalo na ang original song na Halik sa Hangin na likha ni Mark.

Ang dami na palang original songs na nagawa ni Mark at ngayon ay gusto raw niyang mag-focus din sa pag-compose ng mga kanta.

Bongga ang pagkahugot ng kantang Halik sa Hangin na isang break-up song.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with