^

PSN Showbiz

Naku dear, 2020 na...Aktres nawalan ng malaking raket sa sobrang kaartehan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napakalaki ng pinakawalang oportunidad ng isang kilalang female persona­lity nang dahil sa kanyang kaartehan. Kinukuha siyang endorser ng isang establisi­myento, kinausap na siya ng tagapamahala, pero nawalan ito ng gana sa kanya sa umpisa pa lang.

Inilalatag pa lang ng kumakausap sa kanya kung ano ang mangyayari ay kung anu-ano nang kundisyones ang ibinibigay ng kilalang babaeng personalidad.

Sabi ng aming source, “Sino naman ang gaganahang makipagtransaksiyon sa tulad niya, e, sa umpisa pa lang, hindi pa nga siya siguradong kukunin, e, napakarami na niyang hinihingi?

“Kesyo kailangan daw, sa mismong shoot ng commercial, e, kumpleto ang mga pagkaing gusto niya. Iba raw ang talent fee niya sa mismong shoot, hiwalay raw du’n ang paggawa niya ng voice-over!

“Kesyo ang tela raw ng gagamitin niyang damit sa shoot, e, kailangan pa munang i-present sa kanya kung okey o kailangang palitan! Siya raw dapat ang masunod sa klase ng telang gagamitin niya!

“Ayaw raw niyang maging uncomfortable sa shoot, baka raw kasi makati ang textile na bibilhin, kaya kailangan niya munang makilatis ‘yun!” nakairap na kuwento ng aming impormante.

At marami pang kung anu-anong chuchu ng female personality na ikinawala ng gana ng kinatawan ng gagawin sana niyang shoot para sa malaking establishment.

“Ang ending, hindi na siya kinuha ng agency, nakikinita na kasi nila na mahirap katrabaho ang kilalang female persona­lity dahil sa una pa lang, e, napakarami na niyang hinihinging kundisyones!

“Nakakaloka siya! Ubod siya nang kaartehan, kaya kahit sa isang show na pinagbibidahan niya, maraming staff ang umaayaw na makatrabaho siya.

“Dear chuchu, baguhin mo na kasi ang style mo! Maraming makalulusot na trabaho sa iyo kapag ganyan ka nang ganyan!

“Matuto ka ring makisama sa mga nakakatrabaho mo, hindi ‘yung may marinig ka lang na nagsasalita nang malakas, e, sinasaway mo na agad, dahil sabi mo, e, ayaw mo sa maiingay!

“Aba, mamundok ka na lang para walang maiingay, puro huni lang ng ibon at mga kuliglig ang meron du’n! O, baka naman pati ang mga kuliglig, e, sigawan mo rin na huwag nag-iingay!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kahit napuno ang bahay ng abo Derek nagpaligaya ng evacuees

Panalung-panalo sa puso ng ating mga kababayan ang ginawang pagdalaw-pagdadala ng mga pagkain at pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng bulkang Taal ni Derek Ramsay.

Dati na siyang matulungin, pero mas ma­tindi ang ginawa niyang aksiyon ngayon dahil taga-Tagaytay ang kanilang pamilya, ipinakita ni Derek sa kanyang vlog ang napakagandang garden ng kanyang ina na ngayon ay balot na balot ng abo at buhangin.

Napakaganda ng kanilang bahay sa Tagaytay, mansiyon ang laki nu’n na pina­lilibutan ng puro salamin, pero ngayon ay nagmistulang haunted house ang kanilang bahay dahil sa ashfall.

Hindi problema para sa mayayamang pamilya ang ganu’ng senaryo dahil meron pa silang ibang bahay na mauuwian sa ibang lugar. May mga bahay sina Derek sa Makati at may isa pa siyang ipinatatayong mansiyon para sa kanyang pamilya.

Punumpuno ng mga pagkain at kagamitan ang mga sasakyang dala-dala ng aktor nang magsadya siya sa isang evacuation center sa Lipa City, galing ‘yun sa sarili niyang bulsa, hindi siya humingi ng donasyon mula sa ibang tao.

Sa kabila ng kalamidad ay maraming nagpaparetrato sa hunk actor, pinagbibigyan niya naman ang mga ito dahil ang kanyang katwiran, kung makababawas ‘yun sa pi­nagdadaanang paghihirap ng mga biktima ng Taal ay napakaliit na bagay lang nu’n.

Hangang-hanga ang mga kababayan natin kay Derek Ramsay dahil isa siya sa mga unang-unang personalidad na nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng pagputok ng bulkan.

Matimbang sa kanya ang Batangas, lalo na ang Tagaytay, dahil du’n halos siya lumaki bago siya nag-aral sa ibang bansa.

Sabi nga ng kaibigan naming beki, “Yummy na, napakaganda pa ng puso ni Derek! Bibihira lang ang tulad niya!”

May mga susunod pang nakaplanong puntahang evacuation center ang hunk actor, may mga kasamahan siyang tagapamili ng mga ipinamamahagi nila, sila-sila rin ang nag-iimpake ng mga tulong na ibinibigay nila.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with