^

PSN Showbiz

Liza umaasang lalampas hanggang March ang Make It nila ni Enrique…

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Liza umaasang lalampas hanggang March ang Make It nila ni Enrique�
Catriona, Liza and Enrique

Nakaharap na si Catriona

Parang height lang ang lamang ni 2018 Miss Universe Catriona Gray kay Liza Soberano.

Nagkita ang former beauty queen at si Liza sa It’s Showtime two days ago kung saan nagpo-promote si Liza and Enrique Gil ng Make It With You na mag-uumpisa nang mapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN ngayong gabi, kapalit ng Starla ni Judy Ann Santos.

Si Catriona ang nag-e-encourage kay Liza na sumubok sa beauty pageant dahil ayon sa former Miss Universe nakikita niya ang potential kay Liza na ilaban ng bansa sa international beauty pageant.

Pero Catriona emphasized naman na kailangan willing at andun ang passion ni Liza kung sasali ito at hindi puwedeng pilitan lang.

Pero sabi nga ni Liza, hindi pa niya nararamdaman na maging beauty queen siya hanggang ngayon.

Anyway, mapapanood si Liza bilang si Billy, ang raketerang gagawin ang lahat upang kumita at makapagpadala ng salapi sa pamilya sa Make It With You.

Isa sa kanyang mga raket ang pagsakay sa kultura ng matchmaking sa Croatia para makalibre sa pagkain at makapag-uwi ng mga regalo galing sa mga nakaka-date na kanya ring ibinebenta.

Mapapanood naman si Enrique bilang si Gabo, ang binatang napapadpad sa Croatia sa kagustuhang mahanap ang kanyang sarili. Sa kabila ng hirap, papasukin niya ang iba’t ibang trabaho upang mabuhay at para hindi bumalik ng Pilipinas.

Magkaiba ang kanilang pamumuhay ngunit isang araw, lalapitan si Billy ng socialite na si Antonia at makikiusap na ipareha siya nito kay Gabo kapalit ang malaking halaga. Dito mag-uumpisang maglapit ang mundo nina Billy at Gabo dahil habang itinuturo ng dalaga ang kultura ng Croatia para maging karapat-dapat sa paningin ng ama ni Antonia, mas nakilala nila ang isa’t isa.

Kasama rin sa Make It With You sina Ian Vene­racion, Katya Santos, Fumiya Sankai, Eddie Gutierrez, Pokwang at marami pang iba sa ilalim ng direksyon nina Cathy Garcia-Molina at Richard Arellano at panulat ni Mark Angos.

Samantala, positive naman si Liza na hindi magkaka-problema ang airing nila sa kabila ng banta ni Pangulong Digong na sisiguruhin niyang hindi na mabibigyan ng panibagong franchise ang ABS-CBN na magtatapos sa March 20, 2020, na eksaktong birthday ni Enrique. Isa nga naman ang programa nila ang hindi matatapos pag nagka-problema sa franchise though meron naman daw grace period ang expiration nito.

“I believe that he’s understanding and alam naman niya na mara­ming maapektuhan. It’s not just the company itself, but also the employees and I am sure he has a generous heart and understanding heart,” sabi ni Liza.

“So, I hope he wakes up one morning and thinks about it again and for his heart to be open to all small employees who need work,” dagdag ng da­ ting Darna.

Maging ang writer ng programa na si Mark ay sinabihan naman diumano ng management na kahit anong mangyayari, tuloy ang trabaho nila.

“One thing that has been assured to us or the management, our bosses that they are assuring us in making sure na ano man ang mangyari, magkakapamilya kami dito sa ABS-CBN and we will be taken care of.

“So the management is asking us to focus on do what we do best,” sabi nito sa naganap na presscon last week.

Nauna nang nag-apela si Sharon sa presidente na sana ay hindi magkatotoo ang pagsasara ng network.

“I pray that our dear President reconsi­ders his decision about ABS-CBN. Not just because I renewed – I can always find a job – but everybody that I grew up with here  those who have remained loyal to the station, grown up here, have learned from the school of hard knocks here, have become family, good friends – will lose almost everything they’ve built over the years. And even those who might choose to stay, if indeed it unfortunately goes that way, it won’t be the same.

“So I hope in my heart that our dear President reconsiders the thousands and thousands of employees who have grown up here, learn the ropes here, and that includes me,” sabi ng Megastar.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with