^

PSN Showbiz

Tampuhang Sharon at KC, ‘wag na sanang lumala!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tampuhang Sharon at KC, �wag na sanang lumala!
Sharon

Malaking issue ang tampo ni Sharon Cuneta sa kanyang anak na si KC Concepcion pero dapat talaga Salve, silang mag-ina ang mag-usap at mag-ayos ng kanilang mga problema dahil hindi kailangan ng outside force o comments na nagpapagulo sa sitwasyon.

Masasabi natin na lumaki nang mahusay si KC dahil nakatapos ito ng pag-aaral at kahit nasa gitna ng intriga ng showbiz, na­ging mabuti at mabait siyang dalaga.

Maayos ang buhay ni KC. Alam niya ang path na kanyang gustong tahakin. Any parent will be proud to have KC as a daughter.

Ang ginawa niya noon na on her own na mapalapit kay Gabby, isang mature step ng isang tao na malawak ang pananaw sa buhay.

For a daughter na product of a broken home, nagpakita ng tibay si KC as a lady. Hoping the issues between KC and Sharon ay maayos at huwag nang lumaki pa.

Nadine marami nang pinagdaanan!

Isa pa si Nadine Lustre sa mga young actress na going through tough times. Usually, mara­ming roads na dinaraanan ang buhay natin at kung minsan,’yung daan medyo baku-bako at hindi maayos.

Pero ang toughness at character ng tao, makikita sa mga pagsubok na pinagdaraanan nila.

Marami nang rough roads na dinaanan si Nadine at she came out of it na hindi naman tinalo ng issues. In fact, ‘yun pa nga ang naglagay sa kanya sa ibang status, isang out of the box na artista na ginagawa ang gustong gawin.

Nagkaroon si Nadine ng mga sexy pictorial, napabalita na nakikipag live in kay James Reid at very daring ang character sa kanyang mga pelikula, in the sense hindi siya sweetie type na pang-youngstar, pero bongga pa rin siya.

This too shall pass for Nadine and she will come out stronger.

vuukle comment

KC CONCEPCION

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with