^

PSN Showbiz

Bagong boyfriend ni Kiray, magalang!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bagong boyfriend ni Kiray, magalang!
Kiray

Tumagal ng tatlong taon ang relasyon ni Kiray Celis at ang kauna-unahang kasintahan. Noong isang taon lamang nagkahiwalay ang dating magkasintahan at ngayon ay masayang muli ang aktres dahil may bago nang karelasyon.

Isang buwan pa lamang na magkasintahan sina Kiray at Stephan Estopia ngayon.

“Sobrang mabait siya, sobrang marespeto lalo na family-oriented ako. Sobrang nirerespeto niya ang magulang ko at ang mga kapatid ko. Kapag hindi pwede sa pa­rents ko kahit gusto naming, hindi namin gagawin or hindi namin pupuntahan. Gano’n niya nirerespeto ang desisyon ng pamilya ko. Mabait siya, magalang, napaka­lambing. Mas nauuna pa nga siyang umiiyak ‘pag nag-aaway kami eh. Ako ‘yung moody, ako ‘yung masama sa aming dalawa,” nakangiting paglalarawan ni Kiray sa bagong nobyo.

Ayon sa aktres ay si Stephan na ang gusto niyang mapangasawa at makasama habambuhay. “Oo, kahit naman ‘yung first boyfriend ko sinasabi ko naman na ‘yon na talaga ‘yung gusto ko. Gusto natin kung sino ‘yung kasama natin sa buhay ay makasama na natin forever. Ayoko kasi nang paiba-iba. Parang ang hirap na mag-start ulit sa panibagong tao. Kikilalanin mo kung ano ‘yung gusto niya, aalamin mo kung ano ‘yung ayaw niya, tatanggapin mo kung sino siya, ang hirap. Bagong pagsubok, kikilalanin ang pamilya, mga kaibigan. Parang from scratch ulit, ayoko ng gano’ng experience,” paliwanag ng dalaga.

Miko, hindi natupad ang winter wonderland proposal kay Kaira

Kamakailan ay nag-propose na ng kasal si Miko Raval sa kasintahang si Kaira Dimatulac. Naganap ang wedding proposal sa Korea noong magbakasyon ang magkasintahan doon. “Leading up to the month of December, wala talaga akong plano. Tapos siguro a month before, doon ko na naplano lahat. Knowing her for seven years, alam ko na very personal ‘yung gusto niya. Gusto ko kaming dala­wa lang talaga. Gusto ko parang winter wonderland. So na-­disappoint pa ako no’ng pagdating namin do’n sabi ko, ‘Ay! Walang snow!’ Gusto ko lang naman ng white background, buti na lang pagdating namin sa tuktok may snow na,” nakangiting kwento ni Miko.

Pitong taon nang magkarelasyon sina Kaira at Miko dahil kolehiyo pa lamang ay magkasintahan na ang dalawa. Nakikita raw talaga ng aktor na si Kaira na ang makakasama niya sa pagtanda. “Exciting siya for me kasi no’ng college kami hindi naman namin napapag-usapan nga. Tapos parang exciting na mag-grow together hanggang you reach that point na ikakasal na nga kayo. Before ‘yung plans namin sa work lang. Tapos ngayon pinag-uusapan na namin ‘yung life after ng mga dreams namin,” nakangiting pahayag ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

KAIRA DIMATULAC

KIRAY CELIS

MIKO RAVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with