^

PSN Showbiz

Singer-actress yumaman nang yumaman dahil sa mga magulang na magaling sa datung

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Singer-actress yumaman nang yumaman dahil sa mga magulang na magaling sa datung
Alden

Mahalaga ang pagiging masinop at sa gabay ng mga magulang sa paghawak ng perang pinaghihirapan ng kanilang mga anak. Naiaayos nila ang pasok at labas ng perang pinagpapaguran at pinagpupuyatan ng anak nilang artista.

Sa ganyang usapin ay napakasuwerte ng isang singer-actress sa pagkakaroon ng mga magulang na talagang pinagtitiyagaang ilibro ang kanyang kinikita.

Nasa librong ‘yun ang tinatanggap niyang talent fee, nandu’n din kung magkano ang inilalabas niyang halaga para sa kanyang mga personal na pangangailangan, lahat-lahat ay nakalista sa libro.

Kuwento ng aming source, “Suwerte si ____(pangalan ng singer-actress na isa sa mga hosts ng isang pang-umagang show sa network na namimiligro) sa pagkakaroon ng parents na pinahahalagahan ang mga kinikita niya.

“Literal silang may libro na kanyang-kanya lang, nandu’n ang bawat sentimong kinikita niya, nandu’n din ang mga ginagastos niya, every month, e, ipinakikita nila ‘yun sa anak nila.

“Nagugulat na lang ang girl dahil ganu’n na pala kalaki ang kinikita niya! Milyunan na pala, kaya naman inspired na inspired siyang magtrabaho!

“Businessman kasi ang father niya, ang mommy niya naman, e, CPA, napakagandang kumbinasyon, di ba naman? Isang negosyante at isang accountant, saan ka pa?” umpisang kuwento ng aming impormante.

Minsan, sa kanilang pagkukuwentuhan, ay naisip ng daddy ng singer-actress na magtayo sila ng negosyo. Napapanahong business dahil ginagawang modelo ng kanyang mga fans ang singer-actress.

Patuloy ng aming source, “Panalo ang negosyong itinayo nila, talagang bumenta nang husto ang mga produkto nilang pambenta na nakikita ng mga faney ng girl na ginagamit din niya!

“Ano bang punumpuno ng mga ipit-ipit at ribbon ang buhok, ‘yun ang pina­uso ng singer-actress, na sinuportahan naman ng mga kababayan natin!

“Sa totoo lang, sa kanila natuto ang parents ng isa pang singer-actress na puro negosyo rin ang pinapasok ngayon. Magaling din silang humawak ng perang pinagpapaguran ng anak nila.

“Ang dalawang ‘yun, e, hindi na maghihirap pa sa buhay, magpasalamat sila sa mga magulang nila na sumusubaybay sa kanila, hindi nauwi sa wala ang mga pinaghihirapan nila!

“May asawa na si unang girl, ang ikalawa naman, e, mag-aasawa pa lang, pero sigurado na ang future nila. Tama, mga momshie?” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Hindi na kaya ng katawanThe Gift tatapusin na, Alden sasabak sa Centerstage!

Maraming kaibigan at tagahanga ni Alden Richards ang malungkot na nagtanong sa amin kung totoo raw bang kailangan nang tapusin ang seryeng The Gift?

‘Yun daw kasi ang kuwentong umiikot ngayon, pabibilisan na ang takbo ng daloy ng kuwento ng pinagbibidahang serye ni Alden, dahil kailangan na niyang paghandaan ang bago niyang show na Centerstage.

Malungkot si Liza, ang aming kaibigan, “Puwede niya namang pagsabayin ang mga shows niya, di ba? Bakit kailangang i-sacrifice ang magandang show para lang sa isang gagawin niya?

“Paano naman ang mga televiewers na talagang suportado ang series niya? Huwag naman sanang mawala agad ang The Gift,” komento ng kaibigan na­ming tutok na tutok sa serye ng Pambansang Bae.

Sa pagkakaalam namin ay nagkaroon pa nga ng ekstensiyon ang serye, pero puwede ring totoo ngang tatapusin na ‘yun, dahil kapag nagsimula ang Centerstage ay tatlo na ang lalagariing programa ni Alden.

Meron siyang taping ng The Gift tatlong beses sa isang linggo, meron pa siyang All-Out Sundays, madadagdag pa ang talent search na Centerstage.

Iisa nga lang naman ang katawan ni Alden para gawin nang sabay-sabay ang tatlong shows as isang panahon, baka naman ang kanyang kalusugan na ang malagay sa peligro kapag ganu’n, mahirap magkasakit ang tulad ni Alden dahil maraming kompromiso niya ang maaapektuhan.

Kung propesyonalismo ang pag-uusapan ay walang problema, mahal na mahal ng singer-actor ang kanyang propesyon at mga katrabaho, never siyang naging cause of delay sa anumang trabahong tinatanggap niya.

Katawan lang niya ang inaalala ng mga nagpapatakbo ng kanyang career, makina man ay pinagpapahinga rin, si Alden Richards pa kaya ang pagdadamutan nila ng panahon para sa kanyang sarili?

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with