^

PSN Showbiz

Yeng Constantino naghain ng piyansa matapos ang arrest order

James Relativo - Philstar.com
Yeng Constantino naghain ng piyansa matapos ang arrest order
Kaugnay ito ng kasong cyberlibel na kinakaharap ni Yeng dahil sa ipinaskil niyang vlog noon laban sa isang Dr. Esterlina Tan at iba pang medical staff.
Mula sa Instagran account ni Yeng Constantino

MANILA, Philippines — Nakapagbayad na ng piyansa ang singer-actress na si Yeng Constantino matapos ipag-utos ng Dapa, Surigao del Norte Regional Trial Court Branch 31 ang pagpapaaresto sa kanya.

Kaugnay ito ng kasong cyberlibel na kinakaharap ni Yeng dahil sa ipinaskil niyang vlog noon laban sa isang Dr. Esterlina Tan at iba pang medical staff.

Makikita ang kopya ng warrant, na pinetsahang ika-12 ng Disyembre taong 2019, sa opisyal na Facebook page ni Surigao del Norte Rep. Bingo Matugas, na sumusuporta kay Tan.

 

Inilagay sa P30,000 ang multa, bagay na nabayaran na raw ayon sa kampo ng mang-aawit, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

"Ang kliyente naming si Ms. Yeng Constantino-Asuncion, ay nakapagbayad na ng piyansa at napirmahan na rin ang inaprubahang Utos," sabi ni Joji Alonso, abogado ni Constantino, sa Inggles.

"Sasagutin namin ang mga reklamo sa mga susunod na araw."

Video ng doktor sa Siargao

Nagmula ang reklamo sa Youtube video na inilabas ni Yeng matapos niyang paratangan si Tan na hindi gaano inasikaso ang mister na si Yan Asuncion, na noo'y naaksidente sa Siargao.

Hulyo 2019 nang maglabas ng public apology si Constantino dahil sa paglalabas ng video.

"Humihingi ako ng tawad kay Dr. Esterlina Tan at iba pang medical staff dahil sa sakit na idinulot ng aking post at vlog sa kanila," sabi niya.

"Sana'y idinaan ko sa tamang pamamaraan ang concern ko. Hindi patas na na-call out siya sa social media at agad kong tatanggalin ang mga posts at vlog."

 

 

Sabi niya pa, nagawa lang niya ito dahil sa emosyonal siya sa nangyari sa kanyang asawa, na nanganganib ang buhay noon.

vuukle comment

BAIL

CYBERLIBEL

WARRANT OF ARREST

YENG CONSTANTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with