^

PSN Showbiz

Ruffa, nahihiya nang maglihim ng totoong edad!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, nahihiya nang maglihim ng totoong edad!
Ruffa

Sa edad na apatnapu’t lima ay hindi pa raw nakararanas na magparetoke ng kanyang mukha si Ruffa Gutierrez.

 Malaki ang pasasalamat ng aktres sa mga magulang na sina Annabelle Rama at Edie Gutierrez dahil sa pagkakaroon nila ng magandang genes sa pamilya.

“My mom, she’s so scared and just uses home care. Nasanay na din ako sa ganoon. It’s more about just maintaining. Maintenance is always good. 

“Altering, I’m not into it. I’m conservative when it comes to touching my face and my body. My mom would be the first to say, ‘Naku! ‘wag mong galawin ‘yung mukha mo!’ You’ve known me since I was thirteen, can you imagine kung biglang mag-iba ‘yung face ko? Hindi naman ako nahirapan kumuha ng mga boys, projects. I think I’m fine. Bakit ko pa babaguhin,” nakangiting pahayag ni Ruffa.

Noon ay inililihim pa raw ng aktres ang kanyang tunay na edad pero ngayon ay proud na niyang ipinapaalam ito sa publiko. “I used to lie about my age. I used to say I stopped counting at twenty five. Eh ngayon ang Google nandiyan na, Si Lorin at si Venice, dalaga na. Nakakahiya naman kung sabihin kong thirty pa din ako. Kailan ako nanganak?” natatawang kwento niya.

Maging ang dalawang dalagitang anak ay hinihikayat na rin umano ni Ruffa na alagaang mabuti ang mga mukha at katawan. “They don’t need much, they just need facials just to maintain their teenage youthful look. I had my first facial when I was thirteen. Kailangan na i-train na natin ang mga teenagers na as early as now, you have to take care of your skin,” pagbabahagi ng aktres.

Yamyam, ayaw na uling makita ang pamilyang umiiyak dahil sa gutom

Unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ng Pinoy Big Brother Big Winner na si Yamyam Gucong. 

Kamakailan ay nakabili na ng isang bagong sasakyan ang baguhang aktor. Ngayon ay mayroon na ring bagong negosyo si Yamyam. Nabuksan na ang unang sangay ng Yamito’s Bakeshop na pag-aari ng komedyante sa Bohol at nangangarap din si Yamyam na makapagdagdag ng ilan pang sangay nito sa Maynila. 

Naisakripisyo ng binata noon ang pag-aaral kaya naman kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap din itong makapagtapos ng kolehiyo. “Sana mag-aaral ako this year, pero maraming pumapasok na raket eh, blessing. So kung babalansehin ko, parang mahirap siya. So siguro next school year,” pagtatapat ni Yamyam.

Ang baguhang aktor ang tumatayong breadwinner sa kanilang pamilya. Para kay Yamyam ay masarap sa pakiramdam na malaki ang naitutulong niya sa kanyang mga mahal sa buhay. “Kasi kusa ko talaga itong ginagawa kasi ganito ko sila kamahal. At saka ayokong makita sila na gaya nang dati na mahihirapan o makita silang umiiyak dahil sa gutom,” paglalahad ni Yamyam. (Reports from JCC)

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with