^

PSN Showbiz

Anak ng babaeng personalidad nagdurusa sa galit ng nanay sa kanyang tatay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

AWAY-bati na nu’n pa man ang relasyon ng mag-inang perso­nalidad. Sa isang panahon ay maayos na maayos ang kanilang samahan, pero bigla na lang aasim ang kanilang relasyon, sanay na sanay na sa mag-ina ang kanilang mga kaibigan.

Masyadong sensitibo ang ina, konting bagay lang na hindi masabi sa kanya ng anak ay agad na siyang nagtatampo, kaya hindi malaman ni dotir ang kanyang gagawin.

Kuwento ng isang source, “Nasa wastong age na ang anak para ma­ging independent, di ba? At kapag ganu’n, free na siyang magdesisyon. Puwede na siyang gumawa ng mga bagay-bagay nang hindi na sinasabi sa mother niya.

“Like nu’ng mag-decide siyang bumili ng condo unit, pinag-ipunan niya ‘yun, perang kinikita niya sa pag-aartista ang ginamit niyang pambili.

“Nu’ng malaman ng mommy niya na nakabili na pala siya ng condo unit, e, tinext siya ng mommy niya. Nagagalit! Pinakahuli pa raw siyang nakaalam ng tungkol du’n!

“Natural, nag-iiyak ang girl, hindi niya naman ‘yun ililihim sa mommy niya, in fact, ang plano nga niya, kapag fully-furnished na ang unit, e, saka niya isasama du’n ang mother niya para sorpresahin!

“Buti na lang at alam ‘yun ng mga friends niya, ng manager niya, kaya sila ang nagsabi sa female personality na ganu’n ang planong gawin ng anak niya!” kuwento ng aming impormante.

Palaisipan sa kanilang mga kaibigan kung bakit mainit ang dugo ng female personality sa kanyang anak, dahil kaya ‘yun sa matinding galit pa rin niya hanggang ngayon sa ama ng kanyang dalaga?

Balik-kuwento ng aming source, “Konting bagay lang kasi, e, pinalalaki niya na agad. Wala namang kasalanan ang anak niya sa hindi kagandahang relasyon nila ng ex niya, di ba?

“Ano naman ang kasalanan ng anak nila du’n, nakapamimili ba ng magulang ang isang anak? Kung anuman ang problema nila ng ex niya, e, labas na dapat du’n ang anak nila!

“Habambuhay na lang bang magsa-suffer ang anak niya dahil sa hindi pa rin mawala-walang galit niya sa father nu’ng anak niya? Hindi naman tama ‘yun!

“Hay, naku! Nakakaawang anak, siya ang sumasalo sa lahat ng galit ng mommy niya sa tatay niya!” pabuntong-hininga na lang na pagtatapos ng ­aming impormante.

Ubos!

Willie mawawalan na ng pahinga, Wowowin hanggang Sabado na

Buong linggo nang mawawalan ng pahinga si Willie Revillame kapag nagsimula na sa susunod na buwan ang kanyang pang-Sabadong Wowowin sa GMA-7.

Masayang-masaya ang mga tagasuporta ni Willie ngayon dahil siguradong aapaw na naman sa mga regalo ang kanyang primetime show. Alas siyete nang gabi tuwing Sabado ang Wowowin.

Si Willie pa? Naging panata na niya ang pagpapasaya sa ating mga kababayan, napakaraming buhay na ng mga nagdarahop na Pinoy ang kanyang binago dahil sa mga sorpresang handog ng kanyang game show, kaya ganu’n na lang kalakas ang kanyang programa.

Sabi ni Willie, “’Yung happiness nila, ‘yun ang happiness ko. Kapag nakikita ko na ang luha ng kaligayahan ng jackpot winner, ‘yun na rin ang height ng happiness ko. Isang pamilyang walang bahay, isang pamilyang kapos na kapos sa araw-araw.

“Biglang nanalo ng house and lot, isang milyong piso at sasak­yan, ano ang maaasahan nating maging reaction nila? Du’n talaga ako tinatamaan, hanggang sa pag-uwi ko, bitbit ko ang kaligayahan nila,” minsang kuwento sa amin ng sikat na TV host.

Ilang beses nang inupuan ni Willie at ng kanyang production staff ang pagdadagdag ng araw ng kanyang matagumpay na show. Aapaw na naman sa mga sorpresa ang pang-Sabadong handog ng Wowowin.

Kuwento naman ng isang kaibigan naming nasa Amerika, “Dati, naaawa kami kay mommy kapag pumapasok na kaming ma-asawa sa trabaho. Masikip sa dibdib ang nakikita naming kalungkutan niya.

“Pero mula nu’ng mag-umpisa na siyang manood ng Wowowin, wala na kaming problema, babad sa panonood sa show niya si mommy, hindi na nga siya nangungulit para umuwi muna d’yan dahil sa sobrang lungkot niya!” kuwento ni Vangie Caperal Aleemi ng Virginia, USA.

Isang buong linggo nang makakasama ng ating mga kababayan ngayon si Willie Revillame. Mula Lunes hanggang Biyernes ay tuwing alas singko nang hapon at tuwing Sabado naman ay tuwing alas siyete nang gabi.

Panalo!

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with