^

PSN Showbiz

Pops mas naunang nakilala ang anak ni Martin!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi naiwasan ng Concert Queen-turned concert-producer na si Pops Fernandez ang maging emotional nang matanong sa kanya ang unang pagkikita nila ng babaeng naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang ex-husband na si Martin Nievera na si Katrina Ojeda. Hindi lamang sila basta nagkita kundi nagsalu-salo sila last Christmas with Martin and their kids na sina Robin at Ram kasama si Santino na anak ni Martin kay Katrina.

Matagal nang nakapag-move on si Pops sa hiwalayan nina ni Martin twelve years ago after their marriage in June 1986.

Mas naunang nakilala ni Pops si Santino about five years ago na very close sa kanyang Kuya Robin and Kuya Ram.

Aminado si Pops na mas maganda ang kanilang relas­yon ngayon ni Martin kung kelan hindi na sila mag-asawa.

Matagal na ring hiwalay si Martin kay Katrina kaya alam ni Pops na maging si Katrina ay dumaan din sa mga pagsubok noon sa kanyang buhay.

Whenever possible, present parati si Martin sa mga espesyal na okasyon ng buhay ni Pops maging ng kanilang mga anak.

Nananatiling buhay ang kanilang loveteam onstage kaya naman pagkatapos ng kanilang US concert tour last August and December last year, muling mapapanood sina Pops at Martin sa Two-Gether Again! at The Theatre at Solaire sa dara­ting na February 14, 15, 27, 18, 19, 20 & 21, 2020 na magkatulong na ipu-produce ng Starmedia Entertainment ni Ana Puno at ang DSL Events and Production House ni Pops sa pakikipagtulungan sa Solaire Resort and Casino.

Ruffa excited sa kasal ni Richard

As as single parent to her two lovely daughters na sina Lorin (16) and Venice (15) sa kanyang ex-husband, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, the 45-year old mom Ruffa Gutierrez is less sa pagiging strict compared sa kanyang sariling ina si Annabelle Rama.

Ang kaibahan lamang nila ng kanyang Mommy Annabelle ay mas cool umano siya sa pagpapalaki sa dalawa niyang anak na parang mga kabarkada lamang niya.

At 16 and 15 ay wala pa umanong umaali-aligid sa mga ito at hinahayaan muna niyang magkaroon ng maraming kaibigan at kasama na rito ang twins ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na sina Mavy and Cassy gayundin ang tatlong anak ni Sunshine Cruz sa kanyang ex-husband na si Cesar Montano na sina Angelina, Sam at Cheska.

Matagal na rin ang relasyon ni Ruffa sa kanyang longtime boyfriend, ang French-Israeli na si Jordan Moyal pero wala pang balak magpakasal ang dalawa kahit annulled na si Ruffa sa kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas.

Tulad ng kanyang mom na si Annabelle, excited na rin si Ruffa sa nalalapit na grand wedding ng kanyang younger brother na si Richard Gutierrez sa fiancée nitong si Sarah Lahbati na magaganap on March 14, 2020.

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with