^

PSN Showbiz

Walang nagawa ang tambak na datung, female personality biglang lungkot ng buhay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Habang ang buong mundo ay nadiriwang nu’ng nakaraang Kapaskuhan ay may isang female personality naman nanalulungkot.

Sobrang kalungkutan ang bumalot sa kanyang buhay dahil parang tinalikuran siya ng kanyang mga kaibigan, walang nakaalalang sumama sa kanya para magdiwang, pati ang kanyang mga kadugo ay parang nakalimot din sa kanya.

Kuwento ng isang source, “Di ba, talaga namang kung hindi siya magbabago, e, she’ll end up alone and lonely? Marami nang nagsasabi nu’n, di ba?

“Siyempre, ‘yung guy na nali-link sa kanya, e, may sariling pamilya. Alangan namang siya ang makasama nu’n, natural lang na family first bago siya!

“Ang mga kaibigan niya naman, e, may mga sarilingpamilya rin, hindi siya puwedeng unahin kapag may okasyon, pamilya muna nila bago siya!

“Kaya talagang kapag may celebration, e, magigingmalungkot siya, wala talaga siyang makakasama.”

May karelasyon ang female personality, napakatagal na nilang nagsasama, pero nitong mga huling buwan ay lumabas ang kuwento na may iba nang karelasyon ang kanyang partner.

Patuloy ng aming impormante, “Kalat na ‘yun sa balwarte ng mga who’s who sa lipunan, alam na ng mga yayamanin na ang bagong pinagkakaabalahan nu’ng businessman, e, galing din sa buena familia.

“Sila na, marami nang nakakaalam tungkol sa bagong partner ng father ng anak niya, hindi na nila ‘yun itinatago.Nakakalokah nga ang sitwasyon nila, di ba?

“May idinidispley na karelasyon ang girl, meron na ring bagong karelasyon ang guy, nakakaloka sila, di ba?” isa pang rebelasyon ng aming impormante.

Dito pala nagdiwang ng Pasko ang kanyang anak, pero hindi pa man nag-iinit ang puwet nito sa upuan pagdating ay sumama naman ang kanyang anak sa probinsiya ng boyfriend nito, kaya hindi rin sila gaanong nagkasama.

Huling kuwento ng aming source, “Ano pa ang choice niya, e, di ang malungkot na lang? May drama siyang nagkasakit siya kahit wala naman!

“Sino lang ang nakasama niya, di ang babaeng hindi puwedeng mang-iwan sa kanya dahil mawawala ang mga ibinibigay niyang bundle of joy!

“Nakakalungkot naman ang buhay ng babaeng ‘yun. Aanhin mo ang datung kung basyo naman ang puso mo? Hindi pa naman ibinebenta kahit saan ang happiness!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Alden and Maine ayaw isuko ng ibang ilusyonado

Sinupalpal ni Maine Mendoza ang mga nagpalutang ng #NoToArjoTheUser. Simple lang ang kanyang ganti, #YesToArjo, ‘yun lang.

?Pero isang sugat ‘yun na nagnanaknak para sa mga tagahanga niyang kontrang-kontra sa magaling na aktor niyang boyfriend.

?Handang makipaglaban si Maine para kay Arjo Atayde, hindi niya pababayaang basta na lang maliitin ng kanyang mga tagahanga ang kanyang karelasyon, nakatagpo ng katapat ang mga taong gustong supilin pati ang kanyang damdamin.

?Nakapagtataka lang kung bakit hanggang ngayon ay meron pa ring mga miyembro ng kanyang balwarte na hindi bumibitiw sa kanilang loveteam ni Alden Richards.

?At hindi nga lang magkatambal ang tingin ng mga ito sa kanila, mag-asawa na, dahil nagpakasal daw sina Alden at Maine at meron na nga silang anak na lalaki.

?Si Arjo na ang ngayon ni Maine, nakakaisang taon na nga ang kanilang pagmamahalan, pero hanggang ngayon ay marami pa ring nag-iilusyon na magkakatuluyan sina Maine at Alden.

?Wala na silang pamimilian kundi ang tanggapin na maligaya na ang kanilang idolo sa piling ni Arjo, baka nga kasalan na ang kasunod nu’n, di lalo na silang malulukring.

?Nakakalungkot lang na sa kanilang utak ay ginagamit lang ni Arjo ang dalaga. Kailangan ba namang isangkalan ng aktor ang kasikatan, masisikmura ba nitong gamitin lang si Maine para sa kanyang sariling kapakanan, magising na sana sa katotohanan ang mga taong pati ang personal nabuhay ng kanilang idolo ay pilit pa ring pinakikialaman.

?Tanggapin na nilang hindi magkatugma ang damdamin nina Alden at Maine, hanggang sa pagiging magkatambal lang ang relasyon nila, sa totoong buhay ay si Arjo Atayde ang nagbibigay ng kaligayahan kay Maine Mendoza.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with