^

PSN Showbiz

Ex ni Miss U na si Catriona biglang nawala sa eksena

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Ex ni Miss U na si Catriona biglang nawala sa eksena
Catriona & Clint

Mukhang nagtatagal na ang bakasyon sa abroad ng dating boyfriend ng dating Miss Universe na si Catriona Gray. Noon, sinasabing maraming plano ang GMA 7 para kay Clint Bondad. In fact, sinubukan na siya sa hosting na nagawa naman niya nang mahusay at nakalabas na rin siya sa ilang serye.

Pero pagkatapos noon ay natigil na naman. Kaya pala ay nasa abroad siya.

Marami ang nagsasabing siguro nga kung mas magiging mahusay sa pagsasalita ng Tagalog si Clint, na mukhang ok na rin naman, magsanay lang nang kaunti pa, ay may pag-asa siya bilang isang actor. Mukhang iyong tipo naman niya ang gusto ng fans ngayon.

Takbo ng utak ng fans, nag-iba na rin

Mukhang iba na nga yata ang takbo ng utak ng fans ngayon. Hindi sila nakikinig kahit na sa mga artistang iniidolo nila. Kung ano ang gusto nila, iyon ang kanilang ipipilit. Isang magandang halimbawa na nga ang natapos na festival, talagang iginiit ng mga tao kung ano ang gusto nila at hindi sila nakinig sa mga endorsements.

Kumita ang pelikulang gusto nila samantalang iyong mga nanalo pa ng awards, nangamote.

Ngayon may isa pang magandang example. Hindi pinalusot ni Maine Mendoza ang mga basher ng kanyang boyfriend na nagkalat ng #notoarjotheuser at gumawa siya ng sarili niyang hashtag na #yestoarjo. Pero ang kumalat na hashtag ay “#yestomainechard,” ibig sabihin sinasabi ng fans kay Maine na gusto pa nila ang AlDub at hindi pa rin nila tanggap si Arjo Atayde.

Sinasabi ng mga observer na siguro iyan din ang dahilan kung bakit “parang nawala na ang magic ni Maine”. Mukhang hindi rin siya tanggap talaga kung hindi sa Aldub, o kaya kung maitatambal siya sa isang leading man na mas acceptable sa fans niya.

Mukhang ano man ang gawin, hindi talaga naging acceptable sa fans niya si Arjo, na siyempre masakit iyon para kay Maine.

Pero sa tingin ng marami, handa naman si Maine lumamig man ang kanyang career. Si Arjo rin mabagal ang angat ng career simula nang maging mag-on sila ni Maine.

Iyang relasyon nina Maine at Arjo, personal na nila iyan. Buhay na nila iyan.

Kung iisipin wala na tayong pakialam diyan. Pero kung ang tatanungin ay kung ano ang epekto niyan sa kanilang career, mababalolang na ang career nila.

Dating matinee idol, freelancer sa mga matrona

Mga matrona na ang target ngayon ng isang dating matinee idol, kasi sinasabi nga way past na siya sa edad na gusto ng mga bakla.

Matured na siya eh. Kaya pala siya madalas doong naka-istambay sa isang “exclusive club” sa may bandang. Nakaka-istambay siya roon dahil daw sa isang sponsor at doon niya nakikilala ang mga matrona na siya naman niyang binibiktima. Binitiwan na kasi siya ng isang matrona na dati ring nag-alaga sa kanya. Kaya ngayon kung sabihin ay “freelancer” na siya. Ibig sabihin sasama kung sino man ang magyaya sa kanya.

Kawawa naman ang mga taong ganyan ang kinabagsakan ng buhay. Kasi hindi nagsikap na matutong umarte nang totoo. Akala niya lahat makukuha sa palakasan. Eh binitiwan din naman siya ng kanyang gay benefactor noong araw.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

CLINT BONDAD

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with