^

PSN Showbiz

Pati mga anak Ex na sina Pops at Katrina napagsama ni Martin last Christmas!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pati mga anak Ex na sina Pops at Katrina napagsama ni Martin last Christmas!
PHOTO BY ALLAN SANCON

Muling naungkat ang hiwalayan nina Martin Nievera at Pops Fernandez at kung paano sila naging okay nang humarap sila sa media kahapon para sa Valentine concert nilang Twogether Again na ginanap sa West Avenue Suites.

Matagal na silang okay at finally muli silang nagsama sa isang concert na sinimulan na nila sa US tour nila nung nakaraang Pasko.

Bilang moving on na nga ang pinag-usapan, tinanong ni Kuya Ricky Lo kay Pops kung paano niya naharap at naging okay din sa dating partner ni Martin na si Katrina Ojeda.

Magkakasama pa silang nag-Pasko sa Amerika at ang pinakamasaya sa pagsasama nila ay ang kanilang mga anak.

Aminado si Pops na hindi ganun kadali sa kanya ang tanggapin lahat at harapin ang babaeng ipinalit sa kanya.

Aniya; “I don’t think I’m gonna be a normal human being if ganun kadali.

“But I think like I said, time heals a lot of wounds.

“When you see your life and you know that…for me kasi I’m okay, I’m doing quite well. I’m blessed of course with my two boys. Parang nawala na talaga yung galit ko…kung ano man yun,”

Natigil sandali si Pops at tumulo na ang luha niya. Kahit si Martin ay pinipigilan na rin ang pag-iyak.

“The other factor, when I saw Santino, such a sweet kid...I think that totally changed my whole…yung pananaw ko talaga.

“So, I said everything has to be okay, and it is,” naluluha niyang pahayag.

Dagdag niyang pahayag; “I’m happy to say for the very first time our Christmas…not quite normal yet but somehow we made it work. I wanted the boys to be together and they did, and I think they had a great time.”

Saad naman ni Martin; “It wasn’t comfortable for me having both Pops and Katrina in the same table.

“It wasn’t very forced…because the kids get along well. And Katrina made a big feast for us. It’s been a long time, I mean you know me and Katrina are not together anymore either, so it’s the whole modern family concept.

“It was magic. It was Christmas. That’s what Christmas is all about.

“Of course all the credit goes to Pops because if she doesn’t allow it, it’s a whole different ballgame.

“It’s the woman really…it’s the one who has left with all of these burdens and so on that have to cope with these things or make a choice to cope with it or not. She made the choice to cope with it.

 “So, for all the women out there…you talk about powerful women, she should be on the poster, that’s Pops.”

Dugtong naman ni Pops; “I think same goes to Katrina. She also had difficult times. Both ways. Mabuhay ang mga kababaihan.”

Napatunayan na nilang gusto pa rin ng fans nilang magsama sila sa isang concert dahil nag-hit ang US tour nila nung nakaraang taon.

Magkakaroon pa nga raw ng repeat na inaayos na nila ito.

Pero sa ngayon ay naka-focus muna sila sa kanilang Valentine concert dito sa atin na gaganapin sa The Theatre at Solaire sa February 14, 15, 17, 18, 19, 20 at 21.

Mga special guests nila rito na naka-schedule sa iba’t ibang araw ay sina LA Santos, JD Domagoso, at ang RitKen tandem na sina Rita Daniela at Ken Chan.

Bong pinatawad na ang mga basher

Ang ganda ng salubong ng taong 2020 sa Kapuso network na sa countdown pa lang ay panalo na sila.

Doon na rin nila ipinakita ang mga bagong programang aabangan, at isa na rito ang Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla.

Kahit may mga ilan pa ring namba-bash sa gagawing programa ni Sen. Bong Revilla, tuloy pa rin siya at malapit na siyang mag-taping.

Kaya nung pagpasok ng 2020, panay ang ensayo ng senador dahil dapat fit na fit siya bago magsimula ang taping.

Minsan ay nag-FB live siya habang nagba-boxing kasama ang anak niyang si Ram at pinagtitiyagaan niyang sagutin ang mga comment sa kanya.

Nagpapasalamat siya sa lahat na patuloy pa ring sumusuporta at binanggit na rin niyang matagal na raw niyang pinatawad ang mga naninira at hindi tumitigil sa pamba-bash sa kanya.

Mas gusto raw niyang positibong harapin ang bagong taon.

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

POPS FERNANDEZ

RICKY LO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with