^

PSN Showbiz

Andi kaya nang ihatid kay Jake ang anak

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon
Andi kaya nang ihatid kay Jake ang anak

MANILA, Philippines — Naging maganda ang 2019 para kay Andi Eigenmann dahil sa pagkakaroon niya ng bagong baby.

Ngayon ay mas abala si Andi sa pag-alaga ng dalawa niyang anak kesa sa kanyang showbiz career.

Sa kanyang vlog, ni-reveal niya kung paano niya nama-manage ang kanyang time between being a mother kina Ellie at Lilo.

Siya mismo ang naghahatid kay Ellie pabalik ng Manila para dalhin sa tatay nito na si Jake Ejercito. Tapos ay lilipad siya pabalik ng Siargao para kay Lilo.

“Dropped off my little adventurer who is excited to go on vacation with her dad’s side of the fam! I’m now on the way back to the airport to head back to Siargao for my breastfed baby! Only spent 8 hrs in Manila.

“I would probably never have done this in the past. But getting tired traveling back and forth is no sweat for my girls!

“This is the longest I’ve gone without BOTH of them by my side and I’m missing them so much already! Specially now as I am currently editing our New Year’s VLOG.”

Pinakita rin ni Andi ang malapit nang matapos na bed & breakfast inn nila ng kanyang boyfriend na si Philmar Alipayo. Nasa finishing stages na ang lahat kaya just in time for summer ay magbubukas na ito sa mga tourist.

Gabbi natakot nang ilantad si Khalil

May kakaibang glow si Gabbi Garcia ngayon lalo na’t kakagaling lang nito sa kanyang New Year’s vacation kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos.

Natawa lang ang Kapuso actress nang sabihin namin sa kanya na parang nasa kanya na ang lahat dahil sa ngiting tagumpay na meron siya ngayon.

“Naku, hindi naman po lahat. I am just happy sa mga nangyayari ngayon, professionally and personally. Lahat po ang ganda kaya smile tayo nang smile ngayon,” ngiti pa niya.

Sey nga ni Gabbi na naging challenge sa kanya ang 2019 dahil sa mga risk na kanyang handang tanggapin sa kanyang career. Inamin ni Gabbi na natakot siya sa magi­ging backlash sa kanyang career.

“It was worth doing all that kasi pinakita ko that I am in control of myself, of what I feel and how my career will go.

“To be honest, natakot din ako kasi you will never know what will happen to you. It can be a success or it can be a failure.

“What’s important is that I gave it a try and I was able to pull it off,” sey pa niya.

Kabilang nga raw sa risk na iyon ay ang pagiging public ng relasyon niya with Khalil. Marami nga siyang natanggap na bashing sa social media dahil sa pinasok niyang situwasyon. Pero in the end, puso pa rin ni Gabbi ang sinunod niya.

Beyoncé idinaan sa pagrampa ang pagkatalo sa Golden Globe

Namangha ang marami sa grand entrance ni Beyoncé Knowles sa Golden Globe Awards.

Hindi na lumakad sa red carpet si Beyonce at ang mister niyang si Jay-Z at dumiretso na sila sa The Beverly Hilton ballroom kung saan nagaganap ang awards night.

The Texas-born singer channeled her inner Nala from The Lion King in a fitted black gown embellished with gold sleeves. Sinamahan pa niya ito ng gold statement earrings and a pin-straight ‘do.

Nominated si Beyonce for Best Original Song in a Motion Picture for her song Spirit, na isa siya sa co-writers ng song together with Timothy McKenzie and Ilya Salmanzadeh. Inawit niya ang Spirit sa soundtrack ng live action Disney film na The Lion King.

Pero natalo si Beyonce ni Elton John para sa song na  Gonna Love Me Again from the movie The Rocketman.

Kaya dinaan na lang ni Queen Bey sa pagrampa ng bonggang outfit niya ang pagkatalo niya.          

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with