^

PSN Showbiz

Julie Anne pikit-mata sa bashers, relasyon kay Alden walang problema

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Julie Anne pikit-mata sa bashers, relasyon kay Alden walang problema
Julie Anne

Masaya ang Kapuso stars na bahagi sa bagong musical-comedy show na All-Out Sundays na nagsimula na kahapon.

Ang isa sa ikinatuwa namin sa bagong show na ito ng GMA 7 ay nagpakitang-gilas ang mga produkto ng The Clash.

Hindi nagpahuli ang mga finalists na bagong Clashers na sina Jennifer Miravilla, Antonette Tismo at Thea Astley nang sumabay sila ng biritan kay Golden Canedo sa segment nilang For The Win.

Pati rin ang bagong grand champion na si Jeremiah Tiangco ay hindi rin nagpahuli sa ilang Clashers lalo na sa isang segment nilang kasama ang mga magagaling ding sina Mark Bautista at Derrick Monasterio.

Nakita naming natutuwa at nagri-react ang mga au­dience sa comedy sketch sa Tapsikret segment nila na pinangungunahan nina Paolo Contis, Glaiza de Castro, Betong Sumaya at Aicelle Santos.

Magandang training ground nga ito sa mga batang Kapuso na produkto ng Starstruck.

Kaya natutuwa rin ang mga datihang Kapuso stars na nakatrabaho nila ang mga bagong talent na nanggaling sa naturang talent-reality show.

Kaya kahit pina-trending ng katapat na programa ang kanilang Tala dance, hindi rin nagpahuli ang hashtag na #AllOutSundays.

Ang isa lang sa napansin namin bago nagsimula ang All-Sundays, nag-trending na sa Twitter ang hashtag na #YesToJulie.

Pero habang ongoing ang naturang programa, pina-trending din ng ilang hukbo ng  fans ang hashtag na #NoToJulie.

Mga fans kaya ni Alden Richards ang may kagagawan nito? Napapansin kasi na­ming napaka-sensitive nila pagdating kay Julie Anne.

Napangiti na lang ang Asia’s Pop Diva nang hiningan namin siya ng reaksyon kaugnay dito.

“Hindi po ako talaga nagbabasa ng mga sinasabi ng ibang tao…and hindi naman.

“As for me, hindi ko naman po kailangang ipaliwanag ang sarili bakit ganito ganyan.

“At the end of the day, gusto ko yung ginagawa ko. I love my job and I’m doing my best para i-fulfill kung ano po yung dapat na i-fulfill for the day. And of course, I love what I’m doing. I love performing and I want to make people happy in my own little way,” pahayag ni Julie Anne.

Kung fans ni Alden ang gumagawa nun, hindi raw niya alam kung bakit.

Okay naman daw sila ni Alden, kahit nung magkasama pa silang nagtrabaho sa Sunday Pinasaya.

“Okay naman po kami ni Alden eh.

“Since nung Sunday Pinasaya, wala naman pong isyu eh.

“Hindi ko alam kung saan nanggagaling yun eh.

“Wala naman pong problema talaga eh,” napapangiting pahayag ni Julie Anne.

Sana good vibes na lang daw, dahil okay daw silang lahat sa All-Out Sundays.

Nakakatuwa nga raw dahil nakakasama pa rin niya ang mga nakatrabaho niya sa ilang programa at ang iba naman daw ay muli silang nagkasama.

Rachelle lilipad ng pinas para sa walk…

Nangako ang mga napiling inductees na magiging bahagi sa Walk of Fame na pinangungunahan na ngayon ng anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno.

Sa January 12 sila pararangalan sa Eastwood City na kung saan ang Manila Mayor Isko Moreno ang guest of honor.

Ang mga sumusunod na inductees ay sina Kim Atienza, Jokoy at Catriona Gray sa Television, Rachelle Ann Go sa Theater, Nanette Inventor sa Music, Jiggy Manicad sa News and Public Affairs, Jun Banaag sa Radio, Edu Manzano sa Movie, at si Alex Gonzaga sa Social Media.

Itong Social Media ang bago nilang category, at nangako ang mga induc­tees na dadalo sila.

Lilipad si Rachel Ann mula London para daluhan ang event na ito.

vuukle comment

DERRICK MONASTERIO

MARK BAUTISTA

THE CLASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with