^

PSN Showbiz

Nanay ng aktor na dalawa ang GF, gumagawa ng fake account para resbakan ang bashers ng anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Lahat-lahat ay gagawin ng isang ina para sa kanyang anak. Walang hindi maaaring gawin ang isang nanay para lang maipagtanggol ang kanyang supling na nalalagay sa alanganing sitwasyon.

Nasa ganu’ng kalagayan ang mommy ng isang kontrobersiyal na male personality, marami siyang ginagawang account sa social media, para lang makabalanse sa mga upak laban sa kanyang anak.

Kuwento ng isang source, “Marami siyang accounts, buking na bu­king lang ang ginagawa niya dahil pare-pareho ang post niya. Hindi siya marunong mag-post ng iba-ibang contents.

“Meron siyang account na totoo, pero marami siyang ginagamit na fake accounts, ‘yun ang ginagamit niya para upakan din ang mga bashers ng anak niya! Palaban siya, nakikipagsagutan, expected na ‘yun dahil sobra nang nasasaktan ang anak niya!

“Hindi siya papayag na basta tapak-tapakan na lang ang anak niya, nakikipagsabayan siya, ang nagagawa nga naman ng nanay para sa anak niya!” unang reaksiyon ng aming impormante.

Maraming bashers ang anak na male personality ni mommy, mas dumami pa ‘yun nang masangkot ito sa isang love triangle, talagang hinimay nang pinung-pino sa social media ang imahe ng kanyang anak.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Natural, nanay siya ng male personality, ‘yun lang ang makakaya niyang gawin para suportahan ang anak niya!

“Ayaw niyang magpa-interview dahil lalong madidiin ang anak niya na negang-nega naman talaga nu’ng mga panahong ‘yun, kaya ang naisip niya, e, ang gumawa na lang ng mga fake accounts na magagamit niya sa pagtatanggol sa male personality!

“Pero maraming nakakaalam ng style niya, buking na buking ng mga nakakakilala sa kanila ang mga hanash ni mommy, pare-pareho lang kasi ‘yun at hindi niya binabago.

“Dapat siyang magpaturo sa isang female personality na maga­ling sa ganu’n! Para lang makaparehas siya sa nega niyang image, e, guma­gawa rin siya ng fake accounts!

“Inglisera ang babaeng ‘yun, pero ang mga posts niya, e, in straight Tagalog, kaya magaling ang babaeng ‘yun! Magpaturo dapat sa kanya ang mommy ng male personality para hindi siya nabubukelyang kanya pala ang lahat ng accounts na nagtatanggol sa anak niya!

“Mamangka ba naman sa dalawang ilog ang anak niya, e, di ganu’n talaga ang mapapala niyang upak sa social media! Dapat pangaralan din ni mommy ang anak niya na maghinay-hinay, makipagkalas muna sa girlfriend niya bago siya makipagrelasyon sa iba!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alden manhid na sa mga paninira

Matindi talaga ang galit ng mga tagasuporta ni Maine Mendoza kay Alden Richards. Wala silang nakikitang positibo sa Pambansang Bae, naghahanap sila ng mga negatibong kuwentong maibabato laban sa singer-actor, mabuti na lang at hindi ipinaglihi sa patola si Alden.

Kung anu-anong masasakit na salita ang ipinambabato nila kay Alden, bastos daw ang aktor, walang paggalang kay Maine. May nakita lang silang retratong iba ang itsura ni Alden sa likuran ni Maine ay pambabastos na raw agad ‘yun sa kanilang idolo.

Saan bang puwesto lalagay si Alden? Makipag-close siya kay Maine ay plastic daw siya, kapag naman nakipagtambal sa iba ay user daw ang aktor, tumutulay sa napakanipis na alambre si Alden.

Pero ang mga ganu’ng paninira sa Pambansang Bae ay hindi umeepekto, mas pinapaboran ng mas nakararami ang literal nilang nakikita kay Alden, mapagkumbaba, mabait at marunong magbahagi ng kanyang mga biyaya sa mga mas nangangailangan.

Sabi nga ni SOS, “Naku, sobrang hindi po kapani-paniwala ang mga ibinabatong paninira kay Alden, siya pa ba? Hindi magtatagumpay ang mga detractors niya dahil ang binibigyan ng weight ng mga tao, e, ang mga ginagawa niyang puro positive.

“Mabait siya, very low key, saka hindi lang niya binibilang ang mga blessings niya, isine-share niya ‘yun. Ganu’n po dapat talaga, don’t just count your blessings, you share it!” reaksiyon ni SOS.

At salamat talaga dahil hindi mapagpatol sa mga bashers ang singer-actor, labas-pasok lang ‘yun sa magkabila niyang tenga, dahil ang mahalaga para sa aktor ay ang pagkakilala sa kanya ng mga totoong alam ang buong likaw ng kanyang bituka bilang tao.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

SOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with