^

PSN Showbiz

Male personality na suki ng bading, grabeng magmalinis

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Male personality na suki ng bading, grabeng magmalinis
Andrea and Derek

Kung bakit naman kasi napakadulas ng dila na sinagot ng isang male personality ang tanong kung nagkaroon na ba siya ng karanasang makipagrelasyon sa isang beki?

Madiin ang kanyang sagot, hindi pa raw, ngayon pa lang. Siyempre, maraming nakapanood-nakarinig sa kanyang sagot, kaya ang maraming-maraming karanasan niya nu’n ay unti-unti nang hinuhukay ngayon sa baul ng alaala.

Kuwento ng isang source, “Nakakagulat naman ang isinagot niya, wala pa raw siyang experience sa bading? Ligligin kaya natin ang balikat niya para magising siya sa mahimbing na pagtulog at pagdedenay?

“Alam n’yo, kontesero siya, palagi siyang laman ng mga male contest, ng mga bikini pageant, kaya may maniniwala ba naman sa kuwento niya na wala pa siyang karanasan sa beki?

“Ano ba? Napakabata niya namang nagkaroon ng dementia? Ano ba, nakilala lang siya dahil sa karelas­yon niyang sikat na beki, e, nagkakaganyan na siya?” umaalmang reaksiyon ng impormante.

Isang kilalang pageant coordinator pala ang unang nakarelasyong beki ng male personality na ito. Nagtagal ang kanilang relasyon.

Patuloy ng aming source, “Naku naman, buhay na buhay pa si Mama ____(pangalan ng beking pageant coordinator), baka biglang magsalita ‘yun dahil sa pagdedenay niya?

“E, nag-live-in sila nu’ng beking ‘yun! Du’n siya tumira nang matagal, dahil sa probinsiya pa nga siya nanggagaling kapag sumasali siya sa male pageant!

“Ganu’ng-ganu’n na lang ba niyang maitatapon ang matinding tulong at kaginhawahang ibinigay sa kanya nu’ng beki? Malaki ang nagawa sa kanya nu’ng taong ‘yun!

“O, pagkatapos nu’ng coordinator, kanino naman siya napunta? Madatung ang naka-live-in niyang beki, ‘yun ang nagbigay sa kanya ng mga granatsang kahit kailan, e, hindi niya natikman!

“Nasunod ang layaw niya sa maperang beki, nag-enroll siya sa mga class A gym, nagbibiyahe rin sila, saka ‘yun ang dahilan kung bakit nagbago ang itsura niya!

“Ganito na lang. Ikumpara n’yo ang itsura niya nu’ng bagito pa lang siya sa mga male pageants sa itsura niya ngayon. Alin, alin ang naiba?

“Naman! Obvious ba na merong nagbago sa face value niya? Taga-Sarrat, Ilocos Norte siya nu’n, pero look n’yo ang ilong niya ngayon, matangos na, di ba?

“Kaya tantanan na niya ang pag­dedenay para maging panalo siya sa puso ng karelasyon niyang beki ngayon! Huwag siyang tumalikod sa nakaraan niya, dahil ‘yun, ‘yun ang magbubu­king sa mga nakaraan niya!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Derek at Andrea pakakasal na?!

Walang namba-bash kay Derek Ramsay tungkol sa kanyang pagi­ging aktor dahil talaga namang walang maipipintas sa kanya.

Mahal ng aktor ang kanyang propesyon, professional siya, walang kahit sinong katrabaho ni Derek ang makapagsasabing naging cause of delay siya at nag-inarte sa linya ng kanyang trabaho.

Ang palaging target sa kanya ng mga bashers ay ang kanyang personal na buhay. Ang pakikipagrelasyon niya. Ang kawalan niya ng planong pakasalan ang kahit sinong nakakarelasyon niya.

Marami nang personalidad na nagdaan sa kanyang buhay, nagtatagal nang maraming taon ang kanilang relasyon, pero nauuwi rin ‘yun sa paghihiwalay.

Ang nabuong ideya sa utak ng marami ay wala kasi siyang kalayaang magpakasal dahil kasal pa siya sa ina ng kanyang anak na si Austin na binatilyo na ngayon.

Kulang sa pagsasaliksik ang mga nakikialam sa personal na buhay ni Derek Ramsay, nagsasalita sila nang walang ebidensiya, dahil ilang taon nang malayang-malayang magpakasal ang hunk actor.

Walang annulment na naganap, hindi nagkaroon ng aksiyon ang korte tungkol sa pagpapawalang-bisa sa kasal nila ni Christine Jolly, dahil sa simula at simula pa lang ay null and void na ang kanilang kasal.

Kaya sa mga nagsusulsol kay Andrea Torres na humiwalay na kay Derek dahil wala rin naman itong mapapalang kasal sa poder ng aktor ay maling-mali ang kanilang basehan.

Puwedeng pakasalan ni Derek si Andeng sa kahit saang simbahan kung magkakasundo silang humarap sa altar. Posible silang mag-isang-dibdib anumang oras.

Kaya nga nginingitian lang ni Derek Ramsay ang mga nagmamarunong, ang mga walang magawa sa buhay, ang mga nangu­nguna tungkol sa kanyang kinabukasan.

vuukle comment

ANDREA

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with