^

PSN Showbiz

Male personality na matagal naging matalas ang dila, hindi matanggap ang pagkatalo!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Walang personalidad na mayhawak ng kinabukasan. Walang maipagmamalaki ang kahit sinong artista sa kasalukuyan kundi ang hawak lang nilang tagumpay.

Ang bukas ay wala pang katiyakan. Pahulaan pa lang kung ang kasikatang ine-enjoy niya ngayon ay hawak pa rin niya hanggang bukas.

Nasa ganu’ng sitwasyon ngayon ang isang sikat na male personality na ilang taon nang namamayagpag kapag nagkakaroon ng labanan.

Kuwento ng isang source, “Nakakalungkot ang nangyari sa kanya, kasi, hard loser siya. Hindi magi­ging madali para sa kanya ang tanggapin na hindi na pala siya ang nagrereyna, nalampasan na pala siya.

“Kung maaalala n’yo, ang ganu’ng reason ang pinagmulan ng away nila ng isang sikat ding male personality. Matagal silang hindi nagkibuan, civil lang sila sa isa’t isa nang mahabang panahon.

“Kasi nga, e, nagpatutsada siya nu’n na hindi siya kakayaning itumba nu’ng male personality, nakarating ‘yun sa pinariringgan niya, kaya nagkaroon sila ng falling out!

“Kailan na lang ba naman sila nagkabati? Kailan lang ‘yun dahil kailangan nilang magtanggal ng negativity dahil magkalaban na naman ang mga pelikula nila!

“Pero nagsalita na ang publiko, kinabog na siya ng isang movie na hindi niya akalaing magiging ganu’n pala talaga kalakas dahil sa word of mouth,” simulang kuwento ng aming impormante.

Heto na. Magiging mas masakit para sa personalidad na ito ang pagtanggap sa kanyang pagkatalo dahil parang natutuwa pa ang marami sa kanyang kinahinatnan.

Isang source ang nagkuwento, “Marami kasi siyang naging palso nitong mga nakaraang taon na namamayagpag siya. May mga kaibigan siyang kinalimutan, naging matalas ang dila niya sa pagkuda.

“Ang lahat ng ‘yun, e, naipon nang naipon, hindi lang nagsasalita ang mga taong nakakasama niya dati na halos hindi na niya pinapansin. Ayan, ngayon pa lang sila naglalabas ng feelings nila.

“Parang natutuwa pa ang mga taong ‘yun sa pagkatalo niya, parang leksiyon daw sa kanya ‘yun, para matuto siyang maglapat ng magkabila niyang paa sa lupa.

“At napakasakit mabasa ang mga posts sa social media na malas sa career niya ang lalaking ipinagsisigawan niyang mahal na mahal niya sa ere!

“Hindi naman kasi sa lahat ng panahon, e, kanya ang tagumpay, pana-pana­hon lang ‘yan, kaya tanggapin na niya ang pagkatalo niya ngayon,” madiing sabi pa ng ­aming impormante.

Ubos!

ABS-CBN umaasa sa himala

Kung anu-anong balita at kuwento ang naglulutangan ngayon dahil sa nalalapit nang pagtatapos ng prangkisa ng ABS-CBN. Dalawang buwan na lang mula ngayon ang Marso.

May balitang kumalat na bibilhin daw ng mga Lopez ang TV5 pero mabilis na nagbigay ng pahayag ang may-ari ng network, si Mr. Manny V. Pangilinan, na hindi for sale ang istasyon.

Ang malinaw na sinabi ni MVP ay bukas ang kanyang pag-aaring network para sa blocktime. Ibig sabihi’y magbabayad ng oras ang ibang network sa TV5, pero ayon sa tagapamuno ng network ay wala pang sinumang nakikipag-usap sa kanya ngayon, wala pang pag-uusap na namamagitan sa magkabilang network.

Matindi ang pinagdadaanan ngayon ng ABS-CBN dahil paulit-ulit na idinidiin ni Pangulong Rodrigo Duterte na babantayan nito ang renewal ng franchise ng network.

Kahit pa maraming mambabatas naman ang nagsusulong na makakuha ng renewal ang Dos ay sinabi ng pangulo na hindi ‘yun makalulusot sa Mababang Kapulungan.

Ang kanyang suhestiyon ay ibenta na lang ng mga Lopez ang istasyon, huwag na silang umasang makapagsasahimpapawid pa sila, dahil sobrang tindi ng galit ng pangulo sa istasyon.

Hindi ito simpleng problema dahil maraming bibig ang nakasangkalan sa usapin. Libu-libong em­pleyado at manggagawa ng network ang mawawalan ng trabaho. Hindi nila maaaring ikatwiran sa kanilang mga anak na saka na lang sila kakain kapag may trabaho na uli ang ulo ng kanilang pamilya.

At ang mga artistang kontratado ng network, nakalulungkot isipin na sa isang iglap ay wala na pala silang istasyong matatawag, saan nga naman sila pupunta kung hindi makakakuha ng renewal ng prangkisa ang ABS-CBN?

Napakalungkot na pagbubukas ng taon ito para sa ABS-CBN. Harinawang mula ngayon hanggang sa Marso ay magkaroon pa rin ng himala.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with