^

PSN Showbiz

Ella Cruz binira ang bashers: 'Kaka-Pasko lang, bawal tumaba?'

James Relativo - Philstar.com
Ella Cruz binira ang bashers: 'Kaka-Pasko lang, bawal tumaba?'
Pinutakte kasi ng mga komentong "tumaba ka" o "buntis ka ba?" ang dance cover video niya ng awiting "Psycho" ng K-Pop group na Red Velvet.
Mula sa Instagram account ni Ella Cruz

MANILA, Philippines — Hindi nakapagtimpi ang aktres na si Ella Cruz sa mga naglipanang negatibong reaksyon ng netizens kaugnay ng kanyang ipinaskil sa Instagram, Huwebes.

Pinutakti kasi ng mga komentong "tumaba ka" o "buntis ka ba?" ang dance cover video niya ng awiting "Psycho" ng K-Pop group na Red Velvet.

"KATATAPOS LANG NG PASKO AT BAGONG TAON. Hindi ba pwedeng busog lang? Tsk ????," sabi niya sa post.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ????????. ?? (@ellacruz) on

Pag-amin pa ng Viva talent, nakaka-depress na ang matatalim na dila ng bashers lalo na't ginagawa lang naman daw niya ang pinakamahusay niya.

Mas mainam daw sana na pataasin ang kumpiyansa ng iba sa sarili at magpakalat ng positive vibes, kaysa magpakalat ng "hate."

"Pagka-artista bawal ba tumaba? Kailangan lagi namin ginugutom sarili namin para ma-maintain yung gusto nyo?" ang matapang niyang pahayag.

"Katatapos lang ng pasko at bagong taon, hindi ba pwedeng bakasyon din ang pagdiet?"

Matapos ang pang-mamatang inabot online, todo suporta naman kay Ella ang kanyang mga fans.

"Its a free country you can eat what you want... happy new year! throw away negativities. #LoveYourself," sabi ni @realllllmiing sa Twitter.

Ayon naman kay @FantasyZoned, hindi naman daw masyado tumaba ang atres, kung kaya't wala naman daw siyang dapat ikaapekto: "Cheer up Ella. Wala tayong pake sa kanila. Masarap kumain pake ba nila? Tsaka di ka naman tumaba, kahit na tumaba ka pa, wala na silang pake dun. It's your body, you know what's best for it. Plus, you're pretty af! We luv youuuu!"

Si @itscluhrens naman, pinayuhan na lang ang idolong manatiling malusog at gumawa ng "full cover" ng "Psycho."

Matapos ang tinanggap na masasakit na salita, nakuha pa niyang magbiro tungkol sa sitwasyon at nagpaskil na lang ng video ng tatay niyang gumigiling.

"Ginalit niyo papa ko. Eto daw ang buntis ???? #psycho #psychokayo ????????," wika niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ????????. ?? (@ellacruz) on

 

Matatandaang gumanap si Ella bilang "Vanessa Bueno" sa Kapamilya serye na "Bagito" taong 2014 kasama si Nash Aguas, kung saan siya naging batang ina.

Lumabas din siya ngayong 2019 bilang supporting cast sa FPJ's "Ang Probinsyano" bilang si "Lisa."

vuukle comment

BODY SHAMING

DANCE COVER

ELLA CRUZ

K-POP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with