^

PSN Showbiz

Ruffa, hindi nagmamadaling pakasal uli

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, hindi nagmamadaling pakasal uli
Ruffa

Masayang-masaya si Ruffa Gutierrez dahil mapapanood nang muli sa telebis­yon ngayong taon. Kabilang ang aktres sa teleseryeng Love Thy Woman na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Yam Concepcion at Xian Lim.

“I’m going to be the third kabit,” nakangiting bungad ni Ruffa.

Medyo naantala ang taping ng naturang serye dahil sa pagkakapalit ni Yam kay Erich Gonzales na unang napabalitang kasamang magbibida ng tambalang Kim-Xi. “I just don’t know when we’re going to shoot dahil maraming pinagdaanan ‘yon. You know that Erich resigned. They finished reshooting the scenes na na-shoot na ni Erich and now it’s being done by Yam Concepcion. It’s taking a little bit longer but hopefully we’re going to go full blast,” pagbabahagi ni Ruffa.

Samantala, masaya at maayos ang relasyon ng aktres at kasintahang si Jordan Mouyal na isang French-Israeli businessman. Maraming mga kaibigan si Ruffa ang nagnanais na muling magpakasal ang aktres.

Matatandaang nagpakasal na noon si Ruffa kay Yilmaz Bektas at nabiyayaan ng dalawang anak na sina Lorin at Venice. “It’s actually not in my priorities. Some of my friends from Bible study are even praying that I get married again. I said, you know what, I’ve been married before. I’m not in a hurry to get married again. I definitely don’t want to grow old alone. But right now, I’m surrounded by love all around,” makahulugang pahayag ng aktres.

Bela, mas gustong mag-isa sa bakasyon

Bella

Mas nae-enjoy ngayon ni Bela Padilla na mag-isang nagbabakasyon sa iba’t ibang bansa. Para sa dalaga ay kakaibang karanasan na pasyalan ang isang lugar nang mag-isa ka lamang.

“Iba kasi ‘yung experience when you have someone with you. Siyempre the best option is to have someone with you na kapareho mo ng mga hilig. Para you don’t compromise what you wanna do on a trip,” paliwanag ni Bela.

Maraming mga bagong kaibigan ang nakilala ng dalaga dahil sa pamamasyal niyang mag-isa. Maraming mga bagay din umano ang natututunan ni Bela mula sa mga bagong nakikilala. “I feel the joy in travelling alone is meeting new people as well. When you make friends along the way, kaya naa-attract ako doon sa idea of travelling alone. I like kasi talking to new people, start conversations,” nakangiting pahayag ng aktres.

Samantala, masayang-masaya si Bela sa naging resulta sa takilya ng pelikulang Miracle in Cell No. 7 na pinagbibidahan ni Aga Muhlach. Kabilang ang aktres sa nasabing Metro Manila Film Festival Entry. Patuloy pa rin itong pinipilahan sa mga sinehan ngayon. “It’s very different. Hindi siya ‘yung tipikal na napapanood natin over the years na fantasy or comedy or horror or action,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

ERICH GONZALES

RUFFA GUTIERREZ

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with