^

PSN Showbiz

Alfred at Pamilya, sa SG nag-new year

SCENE SEEN - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Walang plano si Chariz Solomon na ireklamo ng child abuse ang old Fil-Chinese lady na nanigaw at nanakit sa kanyang 4-year-old son sa isang indoor playground sa Shangri-La Mall noong December 31, 2019. Nagpapasalamat si Chariz dahil kahit nagdilim ang kanyang paningin, nakontrol niya ang sarili na huwag saktan ang matandang babae dahil umiral ang pagiging ina ng comedienne.

SCENE: Ang direktor na si Joey Reyes ang tumanggap ng Hall of Fame award ni Eugene Domingo na tatlong beses na nanalo na best supporting actress sa Metro Manila Film Festival. Hindi nakadalo si Eugene sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival dahil nagdiwang siya ng Pasko at Bagong Taon sa Italy, sa piling ng kanyang Italian husband na si Danilo Bottoni. 

SEEN: Sinalubong ni Alfred Vargas at ng pamilya nito ang pagpasok ng 2020 sa Singapore. Naging tradisyon na ng Vargas family na magdiwang ng Bagong Taon sa ibang bansa.

SCENE: Mula sa Mexico, lumipad sa Cuba sina Dra. Vicki Belo, Hayden Kho, Jr. at ang kanilang pamilya. Nag-celebrate ng Pasko ang mga Kho sa Mexico at sa Cuba naman nila ipinagdiwang ang Bagong Taon.

SEEN: Naglipana ang mga manghuhula sa mga talk show sa telebisyon dahil sa kanilang annual prediction tungkol sa career at personal life ng mga showbiz personality.

SCENE: As of December  31, 2019, P220 million ang estimated box office gross ng Miracle in Cell No.7, pero tiyak na madaragdagan  dahil pinipilahan pa rin sa mga sinehan ang pelikula ni Aga Muhlach.

vuukle comment

CHARIZ SOLOMON

HALL OF FAME

JOEY REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with