^

PSN Showbiz

Solenn Huessaff nanganak sa 'New Year baby' na si Thylane Katana

James Relativo - Philstar.com
Solenn Huessaff nanganak sa 'New Year baby' na si Thylane Katana
"01.01.2020 Best way to welcome 2020. So inlove with you Thylane Katana," sabi ng celeb sa kanyang paskil sa Instagram. 
Mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

MANILA, Philippines — Iniluwal na ng Filipina-French actress na si Solenn Heussaff-Bolzico ang anak nila ng mister na si Nico Balzico.

Pinangalanan namang "Tylane Katana" ang baby ng dalawa.

"01.01.2020 Best way to welcome 2020. So inlove with you Thylane Katana," sabi ng celeb sa kanyang paskil sa Instagram. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on

 

Kahapon pa lang ay nasa St. Luke's Medical Center na sina Solenn at Nico para antayin ang paglabas ng kanilang supling.

Bago manganak ang kabiyak, nakuha pa ni Nico na magbiro — at sinabing sana'y hindi siya pina-"prank" ng misis.

 

 

Bumuhos naman ang pagbati sa mag-asawa, lalo na mula sa mga kasama nila sa industriya.

"Can’t wait to meet her!!!!! ?? Congratulations you two!!! @nicobolzico and strong mama @solenn," tugon ng "It's Showtime" host na si Anne Curtis, na buntis din sa kasalukuyan.

Pitong araw pa lang ang nakalilipas nang mag-pose sina Solenn at Anne habang pinagdidikit ang mga tiyang ilang buwan nang nagdadalang-tao.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on

 

"Yeeeeeessss!!!! ?????????? congratulations Bolzico’s!!!! ??????," sabi ng kapwa aktres na si Iya Villania.

Nagpaabot naman ng kani-kanilang pagbati sa mag-asawa ang aktres na sina Jessy Mendiola, Ina Raymundo at mang-aawit na si Jed Madela.

Bukod kina Solenn at Anne, una na ring sinabi ng aktres na si Ai-Ai delas Alas na plano nilang mag-focus sa pagbuo ng anak ng pilotong asawa na si Gerald Sibayan ngayong 2020.

vuukle comment

BABY

NEW YEAR

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with