^

PSN Showbiz

Kim, Ricky, Gma Artists, nagbigay ng panahon sa kawanggawa!

Pilipino Star Ngayon
Kim, Ricky, Gma Artists, nagbigay ng panahon sa kawanggawa!

Nakakatawa talaga mga nangyayari sa pa­ligid natin, ang hustle and bustle ng Kapaskuhan na masyadong nakakapagod sa katawan.

Nakakatuwa ang mga balita like Kim Chiu na tumulong para sumaya ang mga kapatid natin, ang mga katutubong Aeta, isang bagay na dapat hangaan dahil nagbigay siya ng panahon to make them happy.

Kapuri-puri rin ang mga benefactor ng Child Haus, ang foundation na tinutulu­ngan ni Mother Ricky Reyes na malaki ang malasakit sa mga bata na may cancer.

Ang gift-giving na ginagawa ng GMA Artists Center na nilalahukan ng mga contract star nila para mapaligaya ang less fortunate brothers and sisters natin.

Malaking bagay at kapuri-puri ang mga ganitong gesture, lalo sa panahon na kailangan nila ng kahit konti lang na pagmamahal.

One person’s faith in you is comparable to a million in times of need kaya kahit isa lang ang magpakita ng pagmamahal at compassion, malaking bagay na. Bravo Kim, Mother Ricky and GMA stars.

Clap clap clap!

‘Happy birthday MJ’

Birthday kahapon ni MJ at tuwing birthday niya Salve, go sila ng kanyang pamilya sa Amana Water Park na pag-aari ni Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan.

Bongga si MJ dahil ginaganap noon ang birthday niya sa Star City pero dahil nasunog ang theme park, nag-decide siya sa Amana na i-celebrate ang kanyang 10th birthday.

Amazing kapag iisipin how a baby can grow up that fast. Naisip ko ang guilt na hindi ko nasubaybayan ang paglaki ng mga anak ko dahil trabaho ang hinarap ko at ang nanay ko ang nagpalaki sa kanila.

Ang excitement of seeing them walk their first step, ang pagpasok nila sa school, all the exciting things na nangyayari sa isang bata na lumalaki.

No wonder happy child si MJ dahil hands on sa pag-aa­laga sa kanya ang nanay niya na si Mel.

Feel na feel ni MJ na love siya ng lahat ng mga tao na nakapaligid sa kanya. How I wish I had the chance like Mel noong lumalaki ang mga anak ko.

I am so envious of their mother and son relationship, lalo pa tuwing yumayakap at nagki-kiss si MJ sa Mama Mel niya, nakaka-inggit.

Si Mel ang kasama ko sa bahay for 32 years na at anak niya si MJ na itinuturing ko na tunay na apo. MJ is part of the sunshine in my life, kaya tuwang-tuwa ako to see him growing up. Happy birthday MJ, promise Wawa Lolit nood tayo ng NBA games. Hindi joke dahil totoo na mano­nood tayo ng NBA games sa TV.

MJ and Lolit

Amy lutang pa rin ang natural na ganda

Congrats uli kay Amy Austria dahil sa Hall of Fame award na ipinagkaloob sa kanya sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival sa New Frontier Theater noong December 27, 2019.

Marami ang nagsabi sa akin na ang ganda-ganda ni Amy noong awards night as in lumutang ang kanyang natural na ganda sa simple black gown na suot niya.

Hindi naman talaga matatawaran ang husay ni Amy sa acting kaya well-deserved niya ang Hall of Fame award ng MMFF kaya nanalo siya na best actress para sa mga pelikula na Brutal, Bubbles Sanchez Story at Trudis Liit.

Sana, may malinaw na kopya pa ang mga nasabing pelikula para makita at mapanood ng young generation ngayon kung gaano kagaling na aktres si Amy.

vuukle comment

AMY PEREZ

ENRICO ROQUE

KIM CHUI

LJ

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with