^

PSN Showbiz

Ara, matagal nang pangarap na mapanood sa Ang Probinsyano

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ara, matagal nang pangarap na mapanood sa Ang Probinsyano
Ara

Masayang-masaya si Ara Mina dahil natupad na ang matagal na niyang pinapangarap na mapabilang sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Para sa aktres ay isang malaking karangalan na makasama sa nangungunang serye sa bansa. “Honestly matagal ko nang pinagdarasal na makapag-guest dito. Then no’ng nakausap ko si Coco Martin before magsimula ang Araw Gabi, sinabi ko sa kanya na sana makapag-guest ako. Tapos hanggang sa natapos na ang Araw Gabi, nagkita kami sa ABS-CBN Ball, sabi ko patapos na ang Araw Gabi, pwede na ako mag-guest. Siguro nakahanap sila ng role na babagay para sa akin. So one year na ‘yung Araw Gabi at nakapasok rin ako. Answered prayer talaga ang nangyari,” kuwento ni Ara.

Maituturing daw ng aktres na isang magandang regalo ngayong kapaskuhan na napapanood na siya sa Primetime Bida block ng Kapamilya network.

“Maraming salamat sa magandang Pamasko sa akin. Siyempre maganda rin ang pagpasok ng taong 2020. Alam naman nating lahat na kahit sinong artista, gustong maging part ng Probinsyano, gustong mapanood sa na­ngungunang series sa TV. Fourth year na ang FPJAP, history na ‘yan sa TV. So ang sarap at nakaka-proud maging part ng ganitong milestone. Hindi ko alam until when magtatagal ‘yung character ko, but for me mas nangingibabaw ‘yung thankful ako sa chance na ibinigay sa akin. Thank you so much kay Coco at sa Dreamscape sa pagbibigay ng opportunity sa akin na makapasok dito sa FPJAP,” paliwanag ng sexy aktres.

Mahigit isang dekada na ang nakalilipas nang huling nagkatrabaho sina Ara at Coco kaya masayang-masaya ang aktres dahil muli silang nagkasama sa isang proyekto. “Si Coco di naman nagbago since no’ng huli kaming nagkasama bilang magkapatid sa Ligaw na Bulaklak. Nakakatuwa dahil after eleven years nakatrabaho ko siya uli. Ang nagbago lang sa kanya ngayon, mas nag-gain niya ‘yung respeto ng mga taga-showbiz industry. Kasi director and producer na rin siya at the same time,” paglalahad ng aktres.

Maricel, gustong makatrabaho sina Sharon at Piolo

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap si Maricel Soriano na makatrabaho si Sharon Cuneta sa isang pelikula. “Siguro mahaba pang panahon ang tatakbuhin niyan bago natin mapuntahan ‘yung part na ‘yan kasi marami pa tayong ginagawa eh. Marami pa rin akong gustong gawin,” bungad ni Maricel.

Samantala, gusto rin ng Diamond Star na muling makatrabaho si Piolo Pascual. Matatandaang nagkatambal ang dalawa sa pelikulang Mila noong 2001. “No’ng time na nakatrabaho ko si Piolo, totoo ‘yon talagang ginawa ko siyang peg because ako mismo, dahil sa punctuality niya, I’m so amazed. Kasi nga dada­ting sa set, wow, prepared si Piolo. Okay na okay sa akin basta si Papa P, love ko ‘yon eh,” natatawang pahayag ng beterenang aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with