^

PSN Showbiz

Male personality, buking ang kabaklaan sa pinamimigay na giveaways

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi mapipilit maglantad ng kasarian ang mga tinatawag na kloseta. Pamintang buo at durog ang tawag ng iba sa kanila. Closet queen.

May imahe kasi silang pinangangalagaan. May pangalang iniingatan. Kapag nag-out na nga naman kasi sila ay mawawala na ang mystery. Hindi na magiging interesado sa kanila ang publiko.

Kaya hindi na bale nang pinagdududahan ang kanilang gender, hindi bale nang pinagpipistahan sila sa mga blind items, tiis-ganda na lang sila.

Kuwento ng isang source na Boogie Wonderland (read: pimp, bugaling), “Maparaan sila, gumagawa ng milagro, pero disimulado. Hindi sila dapat mahalata. Kani-kanyang paraan ang ginagawa nila.

“May isang male personality na kahit sa panaginip, e, hindi mo aakalaing lalaki rin pala ang kanyang hanap. Hayup ang mga muscles niya, bruskung-brusko, pero maparaan siya!

“Inaalam niya ang schedule ng practice ng isang football team ng isang pangyayamaning school. Madalas siya du’n, namamalengke siya nang walang basket!

“Wala siyang kasama, siya lang talaga, pagkatapos ng practice, tumutulo pa ang pawis ng mga players, e, nakiki-chika na siya!

“Pero siyempre, magalaw na ang mga mata niya nu’n, naghahanap na siya ng mapupuntirya niyang mhin! Maparaan ang mokong na ‘yun!” tawa nang tawang kuwento ng Boogie Wonderland!

Iba naman ang kuwento ng dyugaling tungkol sa isang pamosong male personality. Ayaw kuno niya sa isang mhin lang, kailangang dalawa o tatlo, dahil may pagka-voyeur pala siya.

“May ganu’n kasi, e! Hindi lang siya ang mag-iisang naliligayahan, kailangang lahat! Fetish niyang manood, mas maligaya siya kapag pinano­nood niya ang mga mhin na nagla-lovemaking!

“Siyempre, pinaliligaya rin niya ng sarili niya habang watching siya! Akala siguro niya, e, hindi lumalabas ang mga ganu’ng kuwento!

“Natural, magkakaibigan ang mga ‘yun, kuwentuhan sila nang kuwentuhan tungkol sa mga experience nila! At ganu’n nga ang hilig nu’ng male persona­lity, ang manood ng sine nang live na live!

“At generous siya, ha? Bukod sa datung, e, namimigay pa siya ng mga giveaways! Ang mali lang niya, ang mga ipinamimigay niyang stuff, e, ‘yung siya ang endorser, kaya buking na buking siya!” todo ang paghalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kris idinadasal na magbago ang kapalaran sa 2020

Sana naman, sa pagpasok ng taong 2020, ay magbago na ang kapalaran ni Kris Aquino. Harinawang makabalik na siya sa mainstream television dahil marami nang nakaka-miss sa kanya.

Kung hindi man niya nakakampi ang dalawang taong nakaraan ay magbago na sana ang pagkakasalansan ng mga planeta para sa kanyang buhay at career.

Napakagaling niyang host, kanyang-kanya lang ang atakeng meron siya, pero kung bakit siya pa ang inalat sa trabaho. Hindi tuloy natin masisisi ang mga nagkokomento na lumaki siya sa pulitika pero napulitika rin siya.

Totoong aktibo siya sa social media, may mga paraan siya para hindi tuluyang makalimutan ng publiko, pero malaking-malaki ang pagkakaiba ng mainstream television.

Paano na ang mga kababayan nating naninirahan sa mga kanayunan na wala namang hilig tumutok sa YouTube, Facebook Live at iba pang social media accounts?

Iba pa rin ang telebisyon, isang click lang ang dapat gawin at mapapanood na siya, tulad nang dati. Napakarami nang nasasabik sa kanyang pagbabalik.

Sa kanyang mga kuwento ay maayos na ang kanyang sitwasyon ngayon. Natunton na ng mga espes­yalista ang tunay na pinagmumulan ng kanyang sakit. Mas may bala na sa pagtatrabaho ngayon si Kris.

Kahit mapagitna pa siya ngayon sa stress ay alam na niya ang dapat gawin, armado na siya nang pisikal, kayang-kaya na niya uling makipagsabayan sa ma­tensiyong mundo ng showbiz.

Ang ganda ay kumukupas, ang katawan ay nagbabago ng hugis, pero ang talentong meron si Kris Aquino sa pagho-host na kakambal na ng kanyang inunan nang ipanganak siya ay hinding-hindi mawawala at malalaos.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with