^

PSN Showbiz

Elha, nahihirapang humanap ng damit kaya nagpapapayat

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Elha, nahihirapang humanap ng damit kaya nagpapapayat
Elha

Sa pagpasok ng bagong taon ay mas puspusan pa raw ang gagawing pagpapapayat ni Elha Nympha. Kapansin-pansin na malaki na ang ipinayat ng The Voice Kids Season 2 champion mula nang mag-enroll sa gym nitong taon lamang. “Next year my plan is to be fit po lalo. And also magpapapayat na po talaga ako. Isa po ‘yon sa mga goals ko. Kasi nowadays parang mga kinakain ko mga unhealthy and all. Kasi baka pagtanda ko mahirapan na po ako mag-change po,” paliwanag ni Elha.

Ayon sa singer ay talagang nahihirapan din siyang humanap ng mga damit na isinusuot dahil hindi ordinaryo ang sukat ng kanyang katawan. Kaya naman desidido nang ipagpatuloy ang pagpapaliit ng katawan ni Elha sa 2020. “Physical appearance din po kasi mahirap maghanap ng damit for me. New Year’s resolution is that ipa-promise ko na mas magugustuhan pa ng mga supporters ko ‘yung next performances ko. And ayun, sa body,” nakangiting pahayag niya.

Kahit nakapagtanghal na sa iba’t ibang panig ng mundo ay hinding-hindi raw kailanman tatalikuran ni Elha ang pagkanta ng Original Pilipino Music o OPM. “Kasi I’m more on OPM po. So kumakanta din po ako ng Pop. Siyempre hindi ko naman po kakalimutan ‘yung nasimulan kong genre which is OPM,” giit ng dalagita.

Rocco

Rocco, gustong makatrabaho ang iba pang kapamilya stars

Kapamilya stars ang kasamahang mga bida ni Rocco Nacino sa pelikulang Write About Love. Ayon sa Kapuso actor ay masaya naman ang naging trabaho nila nina Yeng Constantino, Joem Bascon at Miles Ocampo habang ginagawa ang naturang proyekto.

“Ako ‘yung nag-stand out kasi three against one. It was surprisingly easy to work with all of them at napaka-welcoming nila. Siyempre ako ‘yung kailangang mag-effort to break ‘yung ice,” pagbabahagi ni Rocco.

Aminado ang binata na kinabahan siya noong unang araw ng shooting dahil ngayon lamang nakatrabaho ang tatlong artista mula sa ABS-CBN. “I walked in to the set na kabado. Ang dami kong tanong, medyo dina-doubt ko ‘yung sarili ko na, ‘Magagawa ko ba ito? Pataasan ba ito ng galing o pakitang gilas ba ito?’ Pero hindi eh, it became very, very easy and everyone just wanted to create something really beautiful,” pagtatapat ng aktor.

Kung mabibigyang muli ng pagkakataon ay gusto pang makatrabaho ni Rocco ang iba pang magagaling na Kapamilya stars. “Yeah, any of them. ‘Yon ang joy ng pagiging isang artista o isang aktor eh. You always meet new challenges or meet new actors na posibleng mag-click or makagawa ng magandang proyekto. It’s always that chance eh. Personally hindi ko sila kilala lahat eh. Si Kathryn (Bernardo) pa lang ang nakilala ko. I’m so happy na successful ‘yung movie nila ni Alden (Richards). Hopefully, if given a chance definitely very open ako na maka-work ‘yung iba,” paglalahad ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

ELHA NYMPHA

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with