^

PSN Showbiz

Aktor na dalawang letra lang ang pangalan, nadiskubreng nagbebenta ng mga branded na kagamitan ng mayamang Gf

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malaking umpukan ng mga ya­yamanin ay naging sentrong kuwentuhan ang isang kilalang male personality na puro pasarap sa buhay lang ang hanap.

Magaling naman siyang umarte, kumakanta pa nga siya, pero may katamaran ang lalaking ito na nagiging dahilan kung bakit wala siyang tumatagal na karelasyon.

Napakarami nang oportunidad na dumating sa male personality para gumanda ang kanyang buhay, pero hindi niya naman pinahahalagahan, talagang mas gusto niyang paganyan-ganyan lang ang ikot ng kanyang buhay.

Nagkaroon ng karelasyong yayamanin ang male personality, napilitan na lang ang pamilya ng babae na tanggapin siya, para wala nang gulo.

Kuwento ng aming source, “Matagal siyang hindi kinausap nu’ng father ng girl, deadma lang palagi sa kanya, ‘yung mommy lang ang kumakausap sa kanya.

“Pero dahil mahal ng family niya ang girl, okey na, binigyan sila ng puhunan para makapagnegos­yo. Para nga naman makapagsimula sila.

“Milyones na puhunan ang ibinigay ng pamilya ng babae, may napili na silang gawing business, okey naman ang guy nu’ng mga unang buwan ng pagnenegosyo nila.

“Nagbabantay siya sa negosyo nila, nakikipag-usap sa mga client, pero hanggang sa una lang naman pala ang pagpapakitang-gilas niya sa pamilya ng girl,” unang kuwento ng aming impormante.

Heto na. Isang araw ay may nag-text sa kanyang ka-live-in, nagtatanong, bakit daw ipinabebenta nito ang kanyang mga branded bags na bagung-bago pa?

“Natural, shock boogie ang girl, hindi pa nga niya nabubuksan ang mga bagong bili niyang branded stuff, paanong napunta ‘yun sa isang common friend nila ng male personality?

“Nakakaloka! Ibinebenta pala ‘yun ng male personality, hindi man lang siya lumayu-layo ng pagbebentahan, sa mismong kaibigan pa ng girl inialok ng mokong ang mga branded bags ng karelasyon niya!

“Nakakaloka siya! Tamad na nga, e, iniisahan pa niya ang girl? Porke ba maraming kagamitan ang girl na nakatambak lang sa kuwarto nila, e, ibebenta na niya ‘yun?

“Mula nu’n, palagi na silang nag-aaway, hanggang sa one day, e, nagdesisyon na ang babae. Pinaalis na siyang lulugu-lugo sa kanilang tirahan!

“Magaling naman siyang umarte, pero ayaw niyang magtrabaho! May iba kasi siyang pinagkakaabalahan sa buhay, ang kanyang tropa na puro sarap din sa buhay ang hanap!

“Napakaigsi ng kanyang name para hindi natin matandaan, dadalawang letra lang!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Angeline

Angeline na-bash sa pagiging sawsawera

Nakasalang ngayon sa kumukulong tubig si Angeline Quinto. Nakisahog lang naman siya sa isyu ng pamba-bash kay Regine Velasquez.

Nagpakatotoo lang naman si Angge, sinabi lang niya na hindi pa siya ipinanganganak ay nakapupuno na ng Araneta Coliseum ang Asia’s Songbird, wala nga lang siyang napanood nu’ng nahihilig na siya sa pagkanta dahil wala siyang pambili ng ticket.

Ibig sabihin ni Angeline ay hindi na dapat pang kuwestiyunin ang kapasidad ng isang Regine Velasquez. Hindi ito dapat bina-bash tungkol sa pag-angkin ng kredito sa concert nila ni Sarah Geronimo.

Regine

Pero sa panahong ito nga, kumanan man o kumaliwa ang personalidad, ay siguradong pupupugin siya ng mga bashers. Maging ang mga tagasuporta ni Sarah ay hindi nagkagusto sa kanyang post.

Pinagpipistahan siya ngayon nang dahil lang sa kanyang komento. Bakit daw nakikisawsaw pa siya sa isyu, sinarili na lang daw sana niya ang kanyang saloobin, hindi na lang niya ipinagbanduhan pa sa publiko.

Wala namang kasalanan ‘yung ale kundi ang magsabi kung gaano kalakas sa concert scene si Regine, pero ito ang inaabot niya ngayon, pinepersonal na siya sa social media.

Na para bang sa mundong ito ay bawal na ang pagsasabi ng katotohanan. Na para bang wala nang karapatan ang kahit sino para mag-opinyon.

Idolo ni Angeline Quinto si Regine Velasquez pero kaibigan niya naman si Sarah Geronimo. Nasaan ang malisya sa kanyang komento?

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with