^

PSN Showbiz

Parang ‘di minahal ng showbiz Janine judgemental!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Parang �di minahal ng showbiz Janine judgemental!
Janine

Siguro gusto ni Janine Gutierrez na mapansin ko siya kaya wagas ang kanyang comment na “Oh God” tungkol sa pagbabalik ni Bong Revilla, Jr. sa telebisyon.

The nerve na mag-negative comment siya sa television comeback  ni Bong, ang Agimat ng Agila.

How can she be so cruel in giving a second chance to a co-actor like Bong without even thinking if not for the goodness of other people, she won’t be where she is today?

Alam naman siguro ni Janine ang history ng kanyang nanay na si Lotlot de Leon. Sa kabutihan ng pamilya ni Nora Aunor, inampon, pinalaki at inalagaan si Lotlot at nagkaroon ng anak na Janine Gutierrez na niyakap din at minahal ng showbiz.

Dapat sa mga pagkakataon na gusto ni Janine na magbigay ng opinyon, isinaalang-alang niya sana ang pang-unawa at respeto, dahil kaibigan si Bong ng kanyang lolo na si Christopher de Leon.

I respect what she feels, or her political beliefs, pero sana inisip ni Janine na more than anyone else, siya ang dapat ang mas maging magaan sa pagbibigay ng chance sa isang tao na gusto nang bumalik sa mundo na pinanggalingan.

Mabuti na lang, isa lamang talent ng GMA 7 si Janine. Just imagine kung siya ang may-ari ng network, hindi pala niya bibigyan ng trabaho si Bong.

Hindi siya papayag na ampunin ang isang gusto na magkaroon ng trabaho. Buti na lang at hindi siya naging box office queen na makakatulong sa career ni Bong.

Wala pa naman akong narinig na nagkaroon si Janine ng blockbuster movie o television show na naging sobra ang taas ng rating kaya hindi rin siya makakatulong sa career ni Bong na marami nang napatunayan sa showbiz at public service.

A piece for advice Janine Gutierrez, sana maging maligaya ang lovelife mo para mas maging mabuti ang puso mo. Love thy neighbor, dahil kung hindi sa kanila, hindi ka naging Janine Gutierrez.

Sayang, love pa naman kita. Now takot na ako dahil baka ma­ging judgmental at I am cleaner than you are attitude ka rin sa akin dahil sa mga nagawa kong pagkakamali, you will never give me a second chance.

Hoping you will do well, kumita at mag-rate sana ang mga project na ginagawa mo.

Alice, legendary ang generosity

Naku Salve ha, talaga palang mabait si Alice Eduardo, ang businesswoman na tinatawag na lady of steel dahil nasa construction business siya at talagang kahit babae sa gitna ng male dominated world of construction, very competitive siya.

Isang woman of power si Alice kahit very fragile at prim and proper siya.  Her gene­rosity is legendary kaya nga ang daming humahanga at nagmamahal sa kanya. Thank you Mama Alice Eduardo, be safe in your trip.

Happy Christmas!

Maraming flawless ngayong Pasko…

Bongga ang Flawless ngayong Pasko dahil tuwing Pasko, gustung-gusto ng mga tao na magpa-beauty kaya naman halos lahat ng branches ng clinic nila, puno ng mga customer dahil sa rami ng mga nagpapa-facial.

Sa Flawless din pala mabibili ang iSkin na paborito mong gamitin Salve at ang reyna nito ay si Anna Monta kaya sure ako, bibigyan ka ng mala­king discount.

Ang kaibahan ng Flawless, affordable ang prices ng treatment at ng mga produkto. Mga tunay na doktor din ang kanilang mga dermato­logist kaya pina-patronize sila ng mga tao na gusto na maging beautiful.

Be Flawless, go to Flawless. Beauty at hindi mahal kaya naman pinagkakatiwalaan.

 

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with