^

PSN Showbiz

Mga kaibigan nag-aalala komedyante na sagad sa pagka-in love, all give sa dyowa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nag-aalala para sa isang pamosong komedyante-TV persona­lity dahil sa pagiging bukas niya sa kanyang pagmamahal sa isang baguhang male personality.

Ngayon lang kasi nagbukas ng kanyang puso sa publiko ang nasabing komedyante-TV host, talagang ngayon lang, kaya maraming natatakot para sa kanya kapag dumating ang panahon ng kanilang paghihiwalay ng lalaking nasa gitna ng kanyang atensiyon at pagmamahal ngayon.

Kuwento ng isang source, “Sa kanya natatakot ang mga kaibigan at kasamahan niya, ano raw kaya ang mangyayari kapag nagkahiwalay sila ng guy?

“Kasi nga, e, wala namang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa kanila sa kinabukasan, hindi nila maipapangako na forever na silang magmamahalan, dahil wala namang mayhawak ng bukas, di ba?

“Sa ngayon, e, kulay pink palagi ang paligid nu’ng TV host, maligayang-maligaya siya, sana nga, habambuhay na siyang ganyan!” unang sultada ng source na dating malapit sa komedyante-TV host.

Siyempre’y bahagi ng kanilang relasyon ang mga pagdududa. Kahit pa bukal din naman sa loob na umaamin ang male personality na mahal na mahal nito ang beki ay nand’yan pa rin ang maraming tanong.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Naku, masama pa namang mabigo ang beking ‘yun, baka huminto ang ikot ng mundo niya! Kung gaano siya kalalim magmahal, e, ganu’n din siyempre siya kalalim na masaktan!

“Ibinibigay pa naman niya ang lahat-lahat ngayon sa boyfriend niya, hindi man niya aminin, hindi man niya ipagsigawan ‘yun, e, ang mismong mga kapitbahay ng guy ang nakakakita ng biglang pagbabago ng kabuhayan showcase nu’ng lalaki!

“Defensive ang lalaki, nagtatrabaho raw naman siya, sinisipagan daw naman niya ang pagtatrabaho dahil nand’yan nga ang family niya na umaasa sa kanya!

“Pero siyempre, maniniwala ba naman ang mga nakakarinig nu’n? Natural, ang iniisip nila, e, nanggagaling sa beki ang lahat ng mga biyayang tinatanggap ngayon nu’ng male personality!

“‘Yun lang ang nakakatakot, baka hindi kayanin nu’ng beki kapag nagkahiwalay sila ng boyfriend niya, baka kung ano ang gawin niya! Marami talagang nag-aalala ngayon, sa totoo lang!

“Ibang klase pa naman siyang mabigo, hindi niya kinakaya talaga, kailangan niya ng mga kaibigan sa paligid niya para pahalakhakin at libangin siya!” madiin pang rebelasyon ng aming impormante.

Ubos!

Alden

Ayaw lubayan ng mga nega Alden inuupakan sa pagmumura

Nakakaawa naman si Alden Richards. May mga tao talagang hindi masaya sa kanyang tagumpay. Habang pataas nang pataas ang kanyang estado bilang aktor ay sige naman ang iba sa kahihila sa kanya pababa.

Kung minsan ay hindi rin maganda ang nagiging resulta kapag hindi palasalita ang isang personalidad. Nawiwili ang mga naninira sa kanya.

Ganu’n kasi ang Pambansang Bae. Hindi siya palasagot sa mga upak ng mga taong ang gusto ay makita siyang bumabalik sa ibaba.

Tulad ngayon, may operasyon na naman para wasakin ang kanyang imahe, pinalulutang ng mga walang magawa sa buhay na diumano’y nagpakawala raw ng mga salita ni Alden na bulls--t ang mga taong-showbiz.

Sa totoo lang, sa imaheng meron ang aktor ay kikilabutan ang makakarinig ng ganu’ng kuwento, napakalayo naman kasi nu’n sa katotohanan.

Mahal na mahal ng aktor ang kanyang trabaho at mga katrabaho, siya nga kung tutuusin ang klase ng personalidad na ni wala kang maririnig na anumang pintas o negatibong komento patungkol sa kanyang mga katrabaho, hindi ganu’n si Alden Richards.

Tahimik lang siya, ang kanyang trabaho lang ang tinututukan niya, hindi siya nakikialam sa buhay ng kanyang mga kapwa artista.

Ang sabiin pa kaya niyang bulls--t ang mga taga-showbiz ang manggagaling sa kanyang bibig? Sana naman ay nag-research muna ang mga nagpapasimuno sa pagpapakalat ng ganu’ng kuwento.

Walang ganu’ng imahe si Alden, mahal na mahal niya ang industriyang kabahagi siya, kaya bakit niya tatawaging bulls--t ang mga taga-showbiz?

May mga tao talagang ayaw nakakakita ng taong nagseseryoso sa kanyang karera at sinsero sa pagmamahal sa kanyang mga kapwa artista.

Pati ba naman si Alden Richards ay bibiktimahin ng mga taong ‘yun na kulang sa pagkakaabalahang trabaho, kaya kinakaya nilang manira ng tao, kahit wala namang ginagawang masama sa kanila?

vuukle comment

ALDEN RICHARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with