^

PSN Showbiz

Vice at Ion kasama lagi sa prayers ni Ate Girl

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vice at Ion kasama lagi sa prayers ni Ate Girl
Ate Girl

Isa si Jackque Gonzaga o mas kilala sa tawag na Ate Girl sa mga nakasaksi kung paano nagsimula ang relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez. Halos araw-araw na napapanood na magkakasama sa isang segment ng It’s Showtime sina Vice, Ion at Jackque. “‘Yung usual starting stage na parang hindi ko naman talaga alam kung kailan sila nag-start. Pero ‘yung mga napapansin ko ‘yung mga simpleng tinginan, mga gano’n. Siyempre ‘yung iba ‘yung ngiti nila sa isa’t isa. Tapos parang kasi ako din dati, ‘Yiheee!’ gumagano’n,” kwento ni Jackque.

Masayang-masaya ang dancer sa estado ng relasyon ng magka­sintahan ngayon at palagi rin daw niya itong ipinagdarasal. “Super happy ako para sa kanila. Kasi ever since naman ‘yon naman talaga ‘yung sinasama ko talaga sa prayers ko, si Ate, na parang happiness lang niya. Para sana makamit niya ‘yung genuine happiness na lahat ng tao deserve. Kasi siya, ang dami niyang napapasaya, ang dami niyang natutulungan. ‘Yung mismong trabaho niya na ginagawa lang niya pero ‘yung impact ng mga tao, sobrang nakakapagpasaya siya. So sana ‘yung happiness na ‘yon maranasan din niya. And ngayon nandiyan na, so sobrang happy ko,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Nakikita rin daw ni Ate Girl kung gaano kaayos ang pagsasama nina Vice at Ion dahil kapansin-pansin ito sa mga galaw ng dalawa. “Feeling ko, ‘yung level up, kita mo talaga. Super glowing, kasi di ba ‘pag happy ka iba ‘yung aura mo. Tsaka, swak talaga sa isa’t isa,” pagtatapos niya.

Joshua

Joshua, hindi kayang pagsabayin ang career at love life

Kontrobersyal ang naging paghihiwalay nina Julia Barretto at Joshua Garcia ilang buwan na ang nakalilipas. Mula noon ay hindi pa nagkakaroon ng bagong karelasyon ang aktor.

Ayon kay Joshua ay hindi pa niya kayang magkaroon muli ng kasintahan sa ngayon. “Parang hindi ko pa kaya pagsabayin muna ‘yung dalawa. Kasi medyo di ko pa rin kayang i-handle ‘yung oras ko. Siguro mas nagpo-focus ako sa mga ibinibigay na opportunity sa akin,” paliwanag ni Joshua.

Kabi-kabila ang ginagawang trabaho ng aktor ngayon. Maliban sa teleser­yeng The Killer Bride ay abala rin si Joshua sa paggawa ng pelikula at iba-ibang endorsements. “Ang tagal ko na rin sa showbiz, six years na akong mahigit. Ayaw ko pong sayangin. Sapat na po sa akin ang pamilya ko ngayon. One hundred percent naman sila nag-i-inspire sa akin,” giit niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

ATE GIRL

JACKQUE GONZAGA

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with