^

PSN Showbiz

Jolo naiyak sa kasal kay Angelica

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jolo naiyak sa kasal kay Angelica
Jolo, Angelica

Live na napanood kahapon sa Facebook ang pag-iisang dibdib nina Jolo Revilla at Angelica Alita sa Pelican Hill, Newport Beach, California, USA.

Courtesy of Senator Bong Revilla, Jr. ang live Facebook coverage ng kasal ng kanyang anak. Mabuti na lang, masipag si Bong sa FB Live kaya tuwang-tuwa ang followers niya na parang dumalo na rin sa kasal nina Jolo at Angelica dahil sa mga unforgettable at romantic scenes na kanilang nasaksihan.

Tulad ng ibang mga lalake na ikinakasal, napaiyak si Jolo nang makita nito si Angelica na naka-wedding gown at naglalakad papunta sa kinaroroonan niya.

Marami na ang kasalan na pinuntahan ko na nakita ko na umiiyak ang groom gaya nina Hayden Kho, Jr. at Alfred Vargas.

Tears of joy ang pumatak mula sa mga mata nila at ganito rin ang nangyari kay Jolo na maliga­yang-maligaya dahil natagpuan nito ang babae na makakasama sa habampanahon.

Nakunan ni Bong ng video ang pag-iyak ni Jolo at ang pagpupunas nito ng mata. “ Be a good husband” ang parehong mensahe nina Bong at Lani Mercado sa kanilang anak na nagsimula kahapon ang bagong chapter ng buhay.

Hindi nag-iisa si Jolo dahil cry din nang cry si Angelica. I’m sure, tears of joy din ang pumatak mula sa mga mata ng bride na inihatid sa altar ng kanyang dalawang kapatid na lalake.

Ikinuwento ni Bong na napakalamig sa Pelican Hill at 4:30 pm pa lang, lumulubog na ang araw kaya lalong naging romantic ang very intimate and simple wedding nina Jolo at Angelica. Congrats!

Tawa naman ako nang tawa nang malaman ko na si Bernard Cloma ang roommate ni Gorgy Rula sa hotel na tinuluyan nila para sa US wedding nina Jolo Revilla at Angelica Alita.

Nai-imagine ko na hindi matatahimik si Gorgy sa pagiging aligaga ni Bernard.

Kaloka nga na humabol pa si Gorgy sa pre-wedding dinner na ginanap sa eve ng wedding. Ang saya-saya raw ng mga pamilya nina Jolo at Angelica kaya feeling nina Gorgy at Bernard, family din sila kaya join ang dalawa sa picture ta­king pero pinaalis sila ng wedding coordinator.

Bongga si Gorgy dahil baka isama nito si Bernard sa Arizona sa pagdalaw niya kay Louie Alejandro dahil magsisimba raw sila sa Sedona para matagpuan na ni Gorgy ang matagal na niyang hinahanap na si Mr. Right.

Joke! Be happy and safe Gorgy!

Jomari/Priscilla love story matagal naghintayan

Ang romantic naman ng love story nina Jomari Yllana at Priscilla Almeda, Salve.

Nagkaroon sila ng relasyon noong mga bata pa sila pero nahinto at naputol.

Nagkaroon ang dalawa ng iba’t ibang mga  partner, at ngayon after so many years, pinagtagpo uli sila ng kapalaran.

Ganoon talaga ang buhay at tadhana, paglalaruan ka, titignan kung hanggang saan ang makakaya mo hanggang ibigay sa’yo ang premyo pagdating ng tamang panahon.

May tatlo nang anak si Priscilla at tatlo na rin ang mga anak ni Jomari. Nagbalik-pag-ibig sila at ito na nga ang ending ng journey nila. Sana nga maging maganda at forever na ang muling pagtatagpo nina Jomari at Priscilla. We wish them all the happiness.

vuukle comment

ANGELICA ALITA

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with