^

PSN Showbiz

Jolo at Angelica super crayola sa kanilang wedding vows!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jolo at Angelica super crayola sa kanilang wedding vows!
Jolo Revilla at Angelica Alita

Hindi pa man nagsisimula ang seremonya ng kasal nina Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita, naluluha na ang Vice Governor ng Cavite pagkatapos niyang magbihis at kausapin ang anak niyang si Gabi.

Ginanap ang Christian wedding nila sa Pelican Hill, Newport Beach, California nung Linggo, December 15 ng hapon dito sa Los Angeles, California.

Si Pastor Peter Kairuz ng 700 Club Philippines ang nag-officiate ng seremonya.

Gawa ni Paul Cabral ang wedding gown ni Angel at ang suit ni Jolo.

Kuwento ng mother of the groom na si Mayor Lani Mercado, bago raw sila natulog nung Sabado ng gabi, pumunta si Jolo sa kanila at nagkausap daw sila sandali.

Nakikita raw nilang sobrang mahal ni Jolo si Angel, at masayang-masaya raw ito.

Pahayag naman ni Sen. Bong; “Ang advice ko sa kanya, alam mo na anak ang pinasok mo.

“Sabi niya, ‘Papa, eto na yung taong hinahanap ko.”

Ang inalalayan naman daw ni Mayor Lani ay si Angelica dahil wala ang Mommy niya dahil nasa Mindoro ito.

Ang tatlong kapatid na lalaki ni Angelica ang naghatid sa kanya.

Hindi rin napigilang maiyak ng isang kapatid niyang si Francis Alita na sobrang close daw talaga sa kanya.

Pahayag naman ni Mayor Lani; “This morning nakaalalay ako sa kanya (Angelica), kasi sabi niya she was anxious.

“So, inalalayan ko lang siya, pina-relax kasi alam ko ninerbiyos siya.

“So, sabi ko sa kanya wala man si Mama 1, nandito si Mama 2. So, Mama 2 will take care of you.”

Pero bilib daw sila kung paano inayos ni Jolo ang kanyang kasal at na-organize niya ito lahat.

“Ni-level up niya ang lahat ng peg ng mga ikakasal. Ang hirap nitong pantayan.

“We’re just happy that he planned his wedding well together with their wedding planners. This a perfect location for a wedding. Very intimate lang,” saad ni Mayor Lani.

Bago nagsimula ang seremonya, at nag-a-assemble pa lang mga nasa entourage, aligaga na si Jolo sa pag-istima sa mga bisita.

“Excited. Sobrang excited,” nakangiting sagot ni Jolo nang tinanong namin bago nagsimula ang seremonya.

Ayaw niya talagang magpa-interview dahil gusto niya tahimik lang ang kanilang pag-iisang dibdib, na kung puwede lang, ayaw na nga sana niyang ipa-post pa ito sa social media.

Pagdating ng seremonyas na kung saan nakikita na niyang nagma-martsa si Angelica patungo sa altar, napaiyak na naman si Jolo.

Mas lalong naging emotional na hindi na napigilang maiyak nilang dalawa pagdating sa exchange of vows.

Pambungad na mensahe ni Jolo kay Angelica; “Bebe, because of you and what you do, you made me a good man, thank you for loving me.”

Medyo garalgal na ang boses niya nang sinabi niyang“You made me realize that I don’t need to become someone else and pretend to be someone else. Tanggap mo kung sino at kung ano ako.”

Dagdag pa niya; “Not all angels are in heaven, mine is here on earth, standing now in front of me, making sure my life would feel like I’m in heaven…forever. Basta kasama kita, saan man tayo pumunta, pakiramdam ko lagi akong nasa langit.”

Tumutulo na ang luha ni Jolo habang sinasabi niya ito; “I’ve never been so certain. Lagi nalang pabagu-bago ang isip ko sa mga bagay pero sa ‘yo, sigurado ako.”

Kahit sina Sen. Bong at Mayor Lani Revilla, pati ang ilang kapatid at malalapit na kaibigan ay naluluha na rin sa mga pahayag ni Jolo.

Sabi pa niya; “Akala ko noon, wala nang magmamahal sa akin. Akala ko wala nang mahuhulog at mai-in love sa akin. Pero napakabuti ng Diyos binigyan ako ng anghel na walang pakpak, at ikaw yun!

“I promise to be a good husband, good father to Gab and to our future children.

“I promise to honor you, take care of you and be with you for the rest of my life.”
Mas emotional si Angelica nang siya na ang magbigay ng mensahe para kay Jolo.

Simula niyang pahayag; “You know it’s true what they say, you know he’s the one when you see him, you’ll just know. This day is valid proof that it’s true.”

Binanggit ni Angelica ang mga bonding nilang dalawa dito sa Amerika na kung saan nagha-hike raw sila sa Hollywood, at marami pa.

Dagdag na pahayag ni Angelica; “I may appear strong to many but you know my weaknesses and I love you for that. Thank you for making it up for the things that I can’t.

Nangako rin si Angelica na aalagaan niya ang anak ni Jolo na si Gab at ituring na kanyang anak.

Sabi niya; “I know Gab is a big part of your life and I promise to God to love and care for him as my own.

“Today, I vow to know myself as you and you as myself.

“I promise to dream with you and be your biggest supporter, to encourage you and to stand by you from this day forward.

 “Jolo, hindi ka na iiyak mag-isa. At higit sa lahat salamat sa  Panginoon for directing you to me because now, I have finally found my heaven on earth with you and Gab by my side. Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal kita.”

Lalo pang naiiyak si Angel nang magbigay naman sila ng mensahe sa kanilang magulang.

Umiiyak si Angelica na nagpapasalamat kina Papa Bong at Mama Lani niya.

“Thank you for showing me how to be strong in very difficult life situations.”

Labing-anim na pares ang ninong at ninang, pero ang mga nakadalo lang ay ang presidential daughter Mayor Sara Duterte-Carpio, dating Sen. Jinggoy Estrada, Cong. Martin Romualdez, Gov. Jonvic Remulla, Pampanga Vice Gov. Lilia Pineda, at mga tita ni Jolo na sina Coun. Rowena Bautista-Mendiola, Mrs. Chaye Cabal-Revilla, Rebecca Bautista-Ocampo, at ang asawa ng tita Andeng niyang dating Antipolo Mayor Junjun Ynares.

vuukle comment

ANGELICA ALITA

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with