^

PSN Showbiz

GMA broadcaster na si Cesar Apolinario, pumanaw na

Philstar.com
GMA broadcaster na si Cesar Apolinario, pumanaw na
"Lubos naming ikinalulungkot ang pagkawala ng aming Kapuso, Cesar Apolinario Jr., na mapayapang sumama sa kanyang Tagapaglikha ngayong araw, ika-13 ng Disyembre, 2019," sabi ng GMA Network sa isang statement sa Inggles.
Litrato mula sa Instagram account ni Cesar Apolinario

MANILA, Philippines — Pumanaw na ang award-winning GMA-7 broadcast journalist at direktor na si Cesar Apolinario ngayong araw, ika-13 ng Nobyembre.

Siya'y 46-anyos lamang.

Bago nakilala sa mga programang "I-Witness," "Brigada," "Born to Be Wild" at "I-Juander," nagtapos muna si Cesar sa kursong Communication Arts sa University of Santo Tomas bago naging cameraman-researcher ng Kapuso Network.

Labis namang ipinagluksa ng istasyon ang pagkawala ng nasabing batikang mamamahayag.

"Lubos naming ikinalulungkot ang pagkawala ng aming Kapuso, Cesar Apolinario Jr., na mapayapang sumama sa kanyang Tagapaglikha ngayong araw, ika-13 ng Disyembre, 2019," sabi ng GMA Network sa isang statement sa Inggles.

Aniya, mami-miss daw nang husto ng kanyang pamilya, mga kaibigan, kasamahan, lalo na ng mga nasa GMA News and Public Affairs at industriya ng pelikula si Cesar.

"Isang loyal Kapuso, ang kanyang desikasyon sa kanyang kasanayan bilang news reporter, producer at public affairs host ay patuloy na magsisilbing inspirasyon sa ating lahat," dagdag pa ng pahayag.

Hindi rin napigilan ng ilang kasama niya sa industriya na magbigay ng kanilang mensahe para sa yumaong journo.

"Di ba sabi mo magpapagaling ka? Sino na magiging kaasaran ko? Nagkaroon na nang magandang buhay, @CesarApolinario. Maaari ka nang mamahinga," ani Tina Panganiban-Perez.

Para naman kay Raffy Tima, hindi lang basta katrabaho ang naglaho sa pagkawala ni Cesar.

Kasama sa kanyang naulila ay ang misis na si Joy at kanilang mga anak.

Maliban sa pagbabalita, matatandaang nailahok pa sa 2007 Metro Manila Film Festival ang pelikula niyang "Banal," kung saan nasungkit niya ang parangal ng pagiging Best Director. — James Relativo

vuukle comment

CESAR APOLINARIO

GMA-7

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with