^

PSN Showbiz

Megan co-host sa Miss World!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Megan co-host sa Miss World!
Megan

Nasa London na si Megan Young dahil co-host siya ng Miss World na gagana­pin sa Saturday, December 14, sa ExCel London sa London.
Favorite talaga siya ni Julia Morley dahil kahit noong 2013 pa siya nanalong Miss World, madalas pa rin siyang imbitahan to be part of the Miss World activities and this year nga, co-host siya sa Miss World coronation night sa Sabado.

Kaya pala sabi ni Megan kay Michelle Dee, nagpa-pack na siya dahil palipad na pala. Nabanggit din nito na inagahan niya ang pagpunta sa London to enjoy the city bago magsimula ang rehearsal.

May isang photo na pinost si Megan gamit ang 10-year-old Balenciaga bag. Pinag-ipunan daw niya ang bag for one year at nang mabili niya, she was so happy lalo na at buhay pa at nagagamit pa niya.

Inamin ni Megan na kuripot siya at ‘pag may gustong bilhin, pinag-iipunan. “The only thing I like to spend on is coffee, food and...Ragnarok hahaha.”

Aga iniimbita sa premiere night ang orig actor sa

Aga

May pinapagawa palang bagong bahay sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa same village kung saan sila nakatira ngayon. Malapit na raw matapos ang bahay na mas malaki kesa bahay nila ngayon. ‘Yun lang ang nakuha naming balita tungkol kay Aga sa mediacon ng Miracle in Cell No. 7 na isa sa entry sa Metro Manila Film Festival 2019.

Speaking of Aga, nabanggit nitong inimbitahan niya si Ryu Seungryong, ang Korean actor sa original version ng movie na dumalo sa premiere night ng Miracle in Cell No. 7. Hindi na nabanggit ni Aga kung tinanggap ng Korean actor ang imbitasyon niya at isa pang nabanggit nito, textmate sila ng Korean actor.

Very emotional si Aga talking about his co-star at ilang beses nga itong napa-“whew” just talking about them at kung gaano sila kahuhusay. Pati ang child star na si Xia Vigor, hindi nakaligtas sa good things na sinabi ni Aga sa mga kasama.

vuukle comment

CHARLENE GONZALES

MEGAN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with